Chapter 1

14.2K 137 6
                                    

Chapter 1

 

 

Camille’s Point of View

 

 

“Camille pasan ka?” Oops! Mukhang natunugan nilang aalis ako. Dahan dahan akong humarap kay mama. “Hehe. Mama may lakad kami ng barkada ngayon e. Payagan mo na ako ha? Please! Please! Pleaaaaassseee! No boys promise!” sabay taas ng kamay ko. Napa-iling nalang si mama.

 “Is that a yes?” sabi ko. Tumango naman si mama. “YES! Haha! Thanks mothaaaa!” paalis na sana ako nang may pinahabol pa si mama. “Hoy Camille Alonzo! I’m telling you no boys okay? Masasapak kitang babae ka makikita mo!” Ngumiti nalang ako at tumango saka tuluyang lumabas nang bahay.

 San ako papunta ngayon? Papunta kami kina Jensen dahil magsusukat kami ng gown. Sheeeeet! Bride’s maid ako! Aba naman! Dapat lang! Barkada niya kami e tapos di kami bride’s maid? Naku naku naku! Ipapatigil ko talaga ang kasal nila makita nila.

 Dahil ako itong di nakatingin sa daan may biglang nakabangga sa akin. “Aray!” Aray naman! Sakit ng pwet ko! Langye. “Hala sorry miss.”

 

“Sorry? Anong sorry?! Masakit yung pwet ko kaya walang magagawa yang sorry mo!---Ay shet pogi!” Hala naman. Nasabi ko ba talaga yung pogi? Pweh bahala na nga. Napansin kong napangisi siya. Lul. “Alam kong pogi ako wag kang maglaway miss pwede?” sabi niya at natawa. At dahil ako tong si uto-uto pinunasan ko din ang imaginary laway ko na sinasabi niya. Oo, imaginary laway! Bakit? Dahil di naman pala talaga ako naglalaway! “Che! Feeling ka! Porke’t nasabi lang ng pogi ikaw na agad tinutukoy? Di pwede yung boypren ko muna? Che dyan ka na nga!” asar naman tong lalaking to. Leche.

Di pa ako nakakalayo nung may pinahabol siyang tanong. “Miss, I’m Michael! What’s yours?” ewan ko pero bigla kong snabi ang pangalan kong bihira kong sabihin sa mga di ko kakilala. “Camille. Ako si Camille.”  Sabi ko habang naglalakad. Winagayway ko nalang ang kamay ko bilang sign na ‘hello’.

**

“What took you so long?!” tanong ni Jensen. “Che waypi wag kang mag-english di bagay. Echosera ka.” Napa-irap nalang siya sa akin. “Hay nako. Cams will be Cams.” Biglang sabat ni Tin. “Tin singit ka ba? Singit ka ng singit eh. Che.” Sabay irap ko. “Dapat na ba kaming matawa?” sabi naman ni AJ. “Magbabarahan kayo o lalakad na?” sabat naman ni Leanndra. Nagkatinginan kami at natawa saka lumakad.

“Sht.” Biglang sabi ni Nicole habang hawak ang tuhod nya. Napatingin naman agad kami sa kanya. “Oh anyare sa’yo?” tanong ni Leann kay Nicole. Ngumiti lang si Nicole. “Wala. Tara?” sabi niya. Pero namumutla siya talaga.

**

“OMG! I so want this dress na!” sigaw ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Bwahaha. “Hoy. Ang inagay mo.”  Sabi ni AJ. “Che! Mind yer own business na nga!”  sabi ko sabay labas ng dila ko sa kanya. Napailing nalang siya.

Nagsusukat lang kami ng damit nang biglng lumabas si Jensen galing sa fitting room. “Guys, how do I look?” sabi niya. Sabay naman kaming napatingin sa kanya at napanganga. Edi siya na ang maganda! Siya na talaga! “Ikaw na waypi! Ikaw na maganda!” ngumiti ako ng malaki. Sinagot niya lang ang ngiti ko ng tipid na ngiti. Ay ganun? “It’s nice. Not perfect tho.” Biglang sabat ni Nicole habang tumitingin ng blue gown. Napatingin kaming lahat sa kanya. “What do you mean it’s not perfect? Perfect na kaya! Sundutin kita jan e!” sabat naman ni Tin. “For me, ang perfect na gown ay ang suot ng mga bride na masaya.” Tumingin siya kay Jensen. “Masaya ka ba?” sabi niya sabay ngiti.

Medyo awkward na ang atmosphere kaya nag-ingay na ako. “Kahit kalian talaga Nicolay ang lalim mo! Di kita mareach! Oh siya pili na kayo ng gown! Ito na ang akin. Bayaran ko lang.” sabi ko. “Nah Camille! Ako na magbabayad. Libre ko kayo syempre. Ako kaya ang ikakasal. Adik to. Ilagay mo na lang dyan. Miss Claire! Kukunin na tong gown na color brown.” Sabi niya. Ngumisi naman ako. “Naks! Sana palagi ka nalang may kasal waypi para palagi akong libre ng damit. Bwahaha!” natawa naman agad siya sa akin. “Adik to. Mag liwaliw ka muna alam kong gusto mong gawin yun.” Inayos ko na ang shirt ko at tumango. “Kfly. Baboo!” sabi ko at kumaway saka lumabas.

Saan kaya ako pupunta? Ah! Alam ko na! Mangtitrip nalang ako dito sa mall. Muwahahaha!

Naglakad naman agad ako papunta sa may cr. Magsu-suot muna ako ng wig para di ako makilala. Muwahahaha! Oo na ako na ang prepared. Pweh.

Nang matapos ako ay naglakad lakad na ako sa labas. Target. Magkasintahang nagdedate. Hahaha! Masama na ba ako? Di naman nangtitrip lang.

  

Uy! May target na! Infairness ang pogi nung guy! Parang may lahi. Kasama nya yung…err? Gf niya ba yan? Ba’t parang ang matured? Ay bahala na nga.

Lumapit ako sa dalawa at biglang sinampal si boy. “What the fck? Who the hell are you?” biglang tanong nung lalaki. Nakanga-nga naman yung babae. “I’m Adrienne. Your girlfriend just so you know.” Sabi ko na parang asar na asar. Muwahahaha! Ang mga mukha nila! PRICELESS! BWAHAHAHA! “Adrienne who? Marami akong girlfriend na Adrienne can you please tell me sino ka sa kanila?” sabi niya na parang puzzled. Ay letsugas barabas! Chickboy  pala to e. Tss. “Walangya ka! Andami mo palang girlfriend niloloko mo lang pala ako all this time! Letse dyan ka na nga sa girlfriend mong gurang.” Sabi ko sabay irap. Pweh. As if naman makikita nila ang mata ko eh naka-shades ako. Nanlaki naman ang mata nung babae at nung akmang lalapitan na ako nung babae nag walk out ako. Mahirap na baka mabuking pa ako.

  

Di pa ako nakakalayo ay nagsalita na si boy. “Di ko to girlfriend. Ate ko to. Get your facts straight honey.” Di ako tumigil at nagkunwarng walang narinig. Pakshet! Nakakahiya. Ate niya pala yun. Pero wapakels di na naman kami magkikita nung lalaking yun e. Bwahahaha!

 Bumalik ako sa CR at tinanggal ang cheche bureche kong props. Grabe enjoy talaga mantrip! Wahahaha!

 Lumabas na ako sa cr at bumalik na sa shop na pinanggalingan ko  kanina. Nakita kong nasa labas si AJ. “Sa’n ka galing bruha? Tapos na kaming lahat.” Ngumiti lang ako ng nakakaloko at pumasok na.

Di ko naman siguro makikita pang muli yung lalaki kanina diba? Diba? Hahahaha!

*******

TBC. Sorry for typos. 

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon