Chapter 19

3K 61 1
                                    

Chapter 19

 

 

 

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng apartment na tinitirhan ko dito sa California. Nagawan ko na nang paraan ang scholarship na inirason ko kina mommy sa loob ng isang buwang pamamalagi ko dito. Ang bilis lang ng mga araw. Sa isang buwan na yon ay wala masyadong nangyari. Ilang beses akong nakatanggap ng emails mula kina Nicole na nagsasabing sabihin ko kung nasaan ako pero di ko yun pinansin. Nalaman ko ding in coma si Jensen at hindi parin nagigising hanggang ngayon. At darn! Nagsimula pa daw yun nung engagement party niya. Buset talaga yang Glendee na yan! Antayin niya ang pag-uwi ko! Makakatikim sa akin yan ng sapak at susunugin ko ang babaeng yan!

Oh talaga? Si Miguel nga lang eh na naduduwag ka na. Sure kang kaya mo yan? Napabuntong hininga ako sa naisip ko.

Ramdam na ramdam ko ang pagkaduwag ko tuwing binabasa ko ang araw araw na messages nila sa akin kaya naiiyak ako. Di ko naman kasalanan kung ganto ang ireact ko diba? OA na kung OA pero kasi naman nasasaktan ako pag naiisip ko na niloloko lang ako ni Miguel. Unang beses kong magmahal at sa napakadaling panahon lang niya ako napahulog sa bitag niya.

It all started with a deal. A simple deal that’s what I thought. I didn’t know that this deal might crush my heart into pieces. Ikaw ba naman mainlove sa loko loko? Playboy? Gago? Tingnan natin kung di ka matakot. Walang kasiguraduhan ang pagsalo niya sa akin. May mga motibo siya, yes. Pero, paano ako makakasiguro na totoo ang mga yun kung nakita ko kung paano niya gaguhin yung mga babae niya? Ganun na ganun! Walang pinagkaiba! Kaya alam ko, sa puso ko na di siya seryoso.

Nabalik ako sa katinuan nang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay may message pala ako sa facebook.

Leann

 

Cams, umuwi ka na please? Francis is a mess! He needs you.

Nagulat ako sa sinabi niya. He needs me? Imposible. Nireplyan ko lang si Leann ng ‘Sorry’ saka ko ni logout ang facebook ko. I still think I need some space. Napabuga ako ng hangin saka tiningnan ang paligid mula sa bintana ko. Hindi muna ako uuwi. Hindi muna ngayon pero sigurado akong malapit na. Napakalapit na at sana pag-uwi ko kaya ko nang harapin ang takot ko kay Miguel. After all useless ang pagpunta ko dito dahil naaalala ko siya. Wala na yung nakakabangayan ko sa umaga. Wala na yung pesteng nang-aasar sa akin ng ‘flatscreen’. Wala dito yung mahal ko. Sisiguraduhin ko rin na paguwi ko, mahuhulog sa akin ang playboy na si Francis. Itataga ko yan sa bato.

Miguel’s Point of View

 

 

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon