Chapter 21

3.4K 65 0
                                    

Chapter 21

 

 

 

 

“Umuwi ka nga dito parang wala ka rin naman.” Napatingin ako sa ate kong kumakain ng mansanas habang nakatayo sa may pinto. Kung titingnan para talaga siyang model. Maganda ang ate ko at kamukhang kamukha niya si Mama. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang panunuod ng ‘A Walk To Remember’ sa mini dvd player ko.

Lumapit siya at umupo sa tabi ko, “Ilang beses ko nang napanuod yan at sa pagkakaalala ko di pa nakakaiyak ang part na yan.” Nagatataka ang mukha ko nang lingunin ko siya. “Umiiyak ba ako?” nakataas ang kilay na saad ko.

Hinawakan niya ang bandang mata ko hanggang pisngi, “Obviously, yes.” Saka kinuha ang kamay ko at pinahawak sa pisngi ko na ngay’y basang basa ng luha. “Umiiyak ako ng di ko namamalayan. Great.”

“Tell me, Lia. What happened? Umuwi ka nung isang araw na lasing. And pagkakaalala ko nagpaalam ka na pupunta ka sa ospital.” Iniiwas ko ang tingin sa kanya at binaling ang tingin ko sa movie na hindi ko na rin naman maintindihan ang pinagsasabi. Wala na sa pinapanuod ko ang utak ko—No. Simula’t sapul wala talaga dito ang atensyon ko. Napabuntong hininga ako.

“Ate, am I that detestable? Am I that loathsome?” nagsisimula na namang tumulo ang luha ko. Masakit kasi isipin yung sinabi ni Miguel. Simple lang naman ang ibig sabihin nun e. Ayaw niya sa akin. Tell me, di ba talaga ako madaling mahalin? Mahirap ba talaga yun? I know I’m  acting like a brat but who cares?

Nagsalubong ang kilay ni ate, “Tell me honestly. Did you fell in love with Francis?” dahan dahan akong tumango. Grabe, di pa ba nauubos tong luha ko? Mahina siyang natawa, “Silly you. Ang malas mo talaga kahit kelan.”

Time ko na naman para kumunot ang noo. “Why?” umirap siya saka kumagat sa apple niya. “Kasi sa lahat ba naman ng maaaring mahalin mo yung duwag pa ang napagdiskitahan mo.” mas lalong kumunot ang noo ko. “What the hell are you talking about ate?”

Ngumiti siya at sinuklay ang buhok ko, “I know I’m not that good sister to you. Kasi nga I was envy with you because you’re a lot prettier than me. You don’t have to do things you don’t want to just to please everyone around you unlike me. But keep this in mind.” Huminto siya at hinawakan ang kamay ko.

“I know everything that is happening to you.” Tumayo siya at tinapon sa basurahan ang apple na kinain niya kani-kanina lang. “Magbihis ka na. Lakad tayo.”

Aangal pa sana ako nang bigla niyang isara ang pinto. Remind me to spank her, okay? Mukha akong aswang tapos papalabasin niya ako ng bahay. “Camille!” tawag niya. Tumayo ako at pinatay ang tv. “Okay! Okay! Maliligo na! Geez!”

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon