Chapter 18

3.2K 70 1
                                    

Chapter 18

 

 

“Talaga bang di ka na mapipigilan?” tanong ni Kuya Flex sa akin ngumiti naman ako ng malungkot. “Mamimiss kita kuya.” Saka ko siya niyakap. Nagulat ako nang may biglang tumikhim pero natawa din ako kalaunan. “Tss. Drama niyo.” Saad niya saka tumalikod.

Nilapitan ko si ate saka hinarap siya sa akin. Di nakaligtas sa paningin ko ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. “Ewan ko ba sa’yo ate. Pwede mo naman ako i-approach tinatarayan mo talaga ako.” Humarap siya sa akin at bigla akong niyakap. “Kainis kasi! Mas close kayo niyang si Flex! Oo na! Naiinggit ako. Letse oh!” saad niya habang papadyak padyak. Natatawang niyakap ko naman siya.

“Pwede ka naman sumali sa amin ate eh!” saad ni kuya Flex. Napalingon ako sa side nila mama saka ngumiti. Eto ang gusto ko bago ako umalis.

“Last call for CDV1499 Manila to California…” napalingon ako sa loob saka humiwalay kina ate. “Pano ba yan? Alis na pala ako e.” nakangiting saad ko. Grabe no? Para lang sa simpleng rason…si Miguel. Kailangan kong iwan ang pamilya ko.

Kasi naman kung magtatagal ako dito alam kong di rin ako papatahimikin ng puso ko. Letseng lalaking yun kasi e!

Kumaway lang ako sa kanila at nagpaalam. Wala naman talagang scholarship ako na natanggap pero eto ako ngayon pinapanindigan ang walang kwentang dahilan na ‘yon.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko kung anong paraan ang gagawin ko para mag-move on. Nakakatawa, wala akong planong naiisip. Yung totoo? Gusto ko pa ba talaga mag-move on? O tumatakas lang ako? I guess it’s the latter.

Sa sobrang pag-iisip ay di ko namalayang may nabangga na pala ako. “Ouch.” Saad ko dahil nabangga ang balikat ko at nahulog ang handbag na dala ko.

“Miss sorry!” saad ng lalaki. Tumango ako at pinulot ang bag ko. “Ayos lang—Prince?” nakangiting tanong ko. Mukhang nagulat naman siya. “Camille? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong niya. Awkward naman akong ngumisi. “Uhm, pupunta ng Cali?” patanong na saad ko.

Natawa naman siya sa sagot ko at ginulo ang buhok ko. Bakit ba ang hilig manggulo ng buhok ng mga ‘to? “Iba ka talaga. Teka anong seat number mo?”

Tiningnan ko naman saka ngumuso. “Ahm…47A. Window seat. Iyo?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa eroplano. “Really? 47C ako e. Sayang dun kasi ako sa gitna.” Napangiti naman ako. “Ayos lang yan, ano ba.” Nakangiting saad ko.

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon