Chapter 17

3.5K 72 3
                                    

Chapter 17

 

 

 

 

 

“CALIFORNIA? Ba’t naman?” ngumuso ako. Shet. Dahilan Cams! “Eh kasi may nagoffer sa akin ng scholarship sa Cali.” Nakangiti kong saad na para bang totoong totoo yun. Nagkatingin na naman sila. Bumuntong hininga ako.

“Mom kung ang iniisip niyo ay si Miguel pasensya na pero di ko kayang ibalewala to. Gusto ko rin sanang magpaalam sa kanya kagabi pero ang tagal niyang nakauwi. May bonding ata silang magkakaibigan?” kibit balikat kong saad. Bonding kamo ninyong dalawa! Namula ata ang pisngi ko sa naisip. Tengene wag ngayon! Letse!

Bumuntong hininga si Mommy. “Fine with me.” Nilingon ko si daddy saka nagpacute. Ngumiwi naman siya saka tumango. “Papayag din naman ako wag ka na magpacute di bagay!” ngumuso lang ako. Hard.

“Kelan ang flight mo?” tanong ni ate na ikinagulat ko. Tiningnan ko lang siya saka ngumisi. “Di pa ako nakakabook ng flight eh pero ang sabi sa akin sa makalawa daw.” Tumango naman siya at ipinagpatuloy ang pagtetext. Sus, pakipot talaga to.

“Wag kang mag-alala tungkol sa flight mo. Uhm, baka gusto mo makipag bonding sa mga kaibigan mo? Matatagalan ka ata sa Cali e.” mapakla akong tumango.

“Matatagalan nga po. Years.” Nanlaki ang mga mata nila. “Ep! Dun na ako magmamasteral.” Tinitigan naman nila ako. Ngumuso ako. “Mom! Sayang eh! Sige na? Please?” napabuntong hininga sila ni dad saka tumango. Natawa nalang ako.

Kung sana alam niyo lang.

**

“Anong nakain mo at nanlibre ka ngayon Le?” ngumisi si Leann. “Eh kasi si Ced e!” saka siya nagsimulang magkwento. Napangisi nalang ako habang nakikinig. Narinig kong tumikhim si Jensen kaya napalingon ako sa kanya.

“Guys may news ako. Okay na kami ni Kirby! Kami na ulit!” nakangising saad niya syempre tuwang tuwa naman sila. Sa totoo lang di ako masyado sumasali. Di ko kasi talaga alam kung paano ko sasabihin na aalis na ako.  Nagtilian sila sa nasabing ‘yon ni Jensen pero kahit kinikilig din ako ay di ko makuhang tumili. Nangingibabaw yung lungkot.

Natigil sila sa pagcecelebrate ng biglang tumunog ang cellphone ni Jensen. “Yes. Who’s this?” tanong niya sa kausap. Biglang kumunot ang noo niya. “Anong nangyari?”

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon