Chapter 23

3.6K 71 1
                                    

 Chapter 23

 

 

“Ha? Sino kaya yun?” tanong ni Leann. Andito kami ngayon sa coffee shop sa tapat ng ospital. Di parin kasi nagigising si Jensen at mag-ta-tatlong buwan na siyang unconscious. Nagsisimula na kaming mag-alala.

“Di ko alam. Di rin naman siya lumingon e.” nakwento ko kasi sa kanila ang nangyari kagabi. Hinabol ko yung lalaki pero di ko na nakita. Sumipsip ako mula sa baso ko. “Pero seryoso Cams, umasa ka talagang si Miguel yun?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“What the hell? Of course not!” ngumisi siya saka umisimid. “Duh! Obvious na kaya sa actions mo. Tinanong mo pa siya kung siya si Miguel diba—wait! Wait! Wait! Nagkiss na kayo ni Miguel!?—ay! Stupid me. Malamang fiancé siya e.” nanlalaki ang mata ng tingnan ko siya. Pakiramdam ko kasing pula na ako ng mansanas.

“Hell no! Conservative ako.” deny ko saka uminom sa baso ko. Tumango siya habang nakangisi at tinitigan ako. “Why are you smiling at me like that?” nakataas ang kilay na tanong ko. “Like what? You’re being paranoid! Saka conservative? Mukha mo!” natatawa niyang sagot. Umirap lang ako saka tumingin sa bintana.

“Maiba ako, ano na kayang nangyari kay Cristine? Lokang ‘yon di na nagparamdam.” Napaisip din ako sa sinabi niya. Magdadalwang buwan na nang umalis si Tin after grad namin dahil magbabaksyon daw. Nung tinanong namin kung saan kibit balikat lang ang sagot niya.

“Ewan ko nga rin e. Asan na kaya ‘yon ngayon?” napatingin ako sa relo ko. “Alam mo Cams dapat di yan yung iniisip natin ngayon e.” nilingon ko ang ngayo’y nakangisi na si Leann. “Ano iniisip mo?” ayoko pag ganto ang mukha niya. Mukhang di gagawa ng maganda e.

“Paparlor tayo saka maghanap ng boylet!” saad niya na parang tuwang tuwa pa. No—hindi parang—tuwang tuwa talaga siya. “Sumbong kita sa papabols mo makita mo!” pananakot ko. Umirap lang siya. “Yaan mo yun. Di kami bati non.” Kaya naman pala. “Osge na nga.” Tumayo naman kami saka pumunta sa pinaka-unang destinasyon.

**

“Ang sakit na ng paa ko Cams! Di ka pa ba tapos?” nagpipigil ako ng tawa habang nasa loob ng dressing room. Sinadya kong magpaikot ikot para pagurin tong babaeng to. Wala din naman kasi akong trip e. “Ay nako Le! Di ko pala type to! Hanapan mo pa ako please?” pakiusap ko. Di ako nakarinig ng ingay kaya akala ko umalis na siya pero nagulat ako ng biglang bumukas ang curtain at andun ang bulldog—este si Leann na masama ang tingin sa akin. Ngumisi ako saka nag peace sign, “Uhm. Peace? Hehe.”

 

“Kaya naman pala umaayaw sila pag niyayaya mo magshopping! Kaloka! Di na kita aayain mula ngayon! Last na yon!” pag-aalburoto niya habang tawa parin ako ng tawa. Ang babaeng to slow. Di niya agad nahalata na nantitrip na ako. “Oh siya paano ka ba papatigilin sa pagtalak, ha?”

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon