Chapter 8

3.3K 62 1
                                    

Chapter 8

 

 

 

 

Padarag akog hinihila ngayon ni Miguel. “Pwede ba? Bitiwan mo’ko! Nasasaktan ako!”  saad ko saka ko siya tinulak. “Ano yun? Nakikipaglandian ka sa kaibigan ko?” tumaas ang kilay ko saka ko siya sinampal. “Wag na wag mo’kong igagaya sa iyo. Nagyaya lang siya ng kape sa akin. Wala akong kasama kaya pumayag ako. Kung paglalandi na ang tawag nun para sa’yo. Ang itatawag ko dun sa ginawa mo kanina?”  saad ko.

“Wag mong ibinabalik sa akin ang tanong. Naiintindihan mo?”  masama ang tingin na ipinukol niya sa akin. “Di mo’ko robot. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin. Engaged lang tayo. Di mo’ko kontrolado. Gago!” saad ko saka ko siya itinulak.

**

“Camille, ngayon na kayo lilipat sa bahay niyo ni Miguel. Ayos naman kayo nung isang araw diba?” Psh. Ayos my ass. Tumang lang ako habang inilalagay ang mga gamit ko sa bag na dadalhin ko. Ihahatid ako nila mama doon. Is this thing really necessary? Ugh.

“Camille, I’m really sorry pumayag kami ng daddy mo sa deal na’to ah? Isang taon lang naman diba?” saad ni mama. Humarap ako sa kanya. Yes, may attitude ako pero mahal ko magulang ko. “Ma, it’s fine. Yes, sabi ni tita Esca isang taon lang daw. Sana talaga mapatino ko si Ga-Miguel sa isang taon na yun.”  Takte muntik pa akong madulas ng ‘gago’. Tumango lang siya at hinalikan ang noo ko. “Tulungan na kita?”  offer ni mama. Tumango ako bilang pagpayag.

“We’re here. Lia, I’m telling you. Kahit pumayag kami ng mama mo sa deal na’to I’m still reminding you. No Monkey Business. Okay?”  seryosong saad ni papa. Natawa naman ako sa kanya. “Yes dad. Oh ha? Atleast may time na kayo ni Mommy baka magkaroon na ako nang baby brother or sister niyan?” natatawang saad ko. Kunyareng umubo si Mama. “Lia!”  saad niya pero namumula. Grabe, possible parin pala talagang kiligin ang mga oldies no? Haha. Pero I doubt na magkakaroon pa ako ng kapatid. Mom’s already 52 and dad’s 57. “Kidding. Okay, papasok na ako. Babye!”  saad ko saka lumabas ng kotse.

Umikot ako papunta sa likod para kunin ang gamit ko at saka pumasok sa bahay. Halos mapanga-nga naman ako sa ganda ng garden. If mamapansin niyo, mahilig ako sa bulaklak kaya natutuwa ako na may garden dito. Umupo ako doon at hinawakan yung isang bulaklak. “Ilagay mo na yang gamit mo sa loob.”  Saad ng boses. Alam ko namang si Miguel yun kaya humarap ako na di ko na dapat ginawa.

“Damn! Uso magbihis!”  saad ko saka padabog na hinila ang maleta ko at umakyat. Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya and I don’t really care.

Pumasok ako sa kwartong gagamitin ko habang namamalagi ako dito. Hay. Mamamahay na naman ako nito. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. Wala siyang bathroom di gaya ng kwarto ko sa bahay. Ang liit lang din ng kama! Ano ba to!

Kahit magreklamo ka sa mga bagay-bagay dito di ka na makakabalik sa inyo. Hay. “Hoy! Kakain na.” sigaw ng buset sa may pinto. “Oo, susunod ako!” saad ko saka tumayo at bumaba na. Nakita ko siyang nakatayo sa pinto na kaharap ng kwarto ko. Tinuro niya yung pinto sa dulo. “Ayun ang cr ng second floor. Yan ang gamitin mo. Sa baba ako.”  Saka siya bumaba. Paki ko? If I know walang heater yang banyo niyo!

Nang makababa ako nakita ko ang nakahain na pagkain at halos mapa-facepalm ako. “Bacon? Lakas maka-breakfast eh ano?”  saad ko. Umirap siya. “Aba, pagpasensyahan niyo na mahal na prinsesa di ako marunong magluto ng iba.”  Umiling ako at naglakad papunta sa kitchen. Binuksan ko ang ref at nakakita ng pasta. “Magpapasta ako, kakain ka?” di siya sumagot pero alam kong gusto niya kaya nagluto na lang ako.

“Ano yan?” umirap ako. Daming tanong. “Kainin mo kung gusto mo.”  Saad ko saka kinuha yung bacon na niluto niya at hinalo sa Carbonara na niluluto ko. Nang maluto na ay ihinain ko na at kumuha ng plato saka nagsimulang kumain. Ayaw mo kumain? Bahala ka. Nang matapos ako ay di parin siya kumakain. “Akyat na ako.”  Saka ako umakyat. Bago naman ako maka-akyat ay narinig kong nagring ang cellphone niya. “Oh pre bakit? Bukas? Nakang! Binata ka na pre! Ha? Ba’t ganun? Ay ewan, bahala ka.” Di na ako nakinig at dumiretso na sa taas.

Nag-o-open ako ng facebook nang kumalampag ang pinto ko. “Ano?”  sigaw ko. Leche talaga to. “Buksan mo nga to!” padabog akong bumaba ng kama at binuksan ang pinto. “Ano ba?”  paangil na sigaw ko. Pero nagtaka ako ng tingnan niya ako ng masama. “You were eavesdropping a while ago.”  Ngumisi ako. “No. It so happened that your voice is so damn loud to the point that I can almost hear everything you and your friend talked about.” Tiningnan niya naman ako ng masama. Damn! I’m so scared! Insert millions of sarcasm here.

“I’ve heard your chitchat with my mom.” Nanigas naman ako nun saka humarap sa kanya. “To tame me. Wow!” ngumisi siya. Kumunot ang noo ko saka ako napalunok. Ang lapit niya at tinitititgan niya pa ako sa mata. Pusangmiming lang!

“Let’s see how far you can go.” Saka siya lumabas leaving me dumbfounded. Why do I feel like moving here with him is a disaster?

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon