Chapter 14

3.2K 63 2
                                    

Chapter 14

 

 

 

 

“Good Morning Miguel!” bati ko sa kanya nang makita ko siyang nag-aagahan sa baba. Limang araw na simula nang mag-away kami at eto siya di parin ako pinapansin. Eto naman ako, guilty-ng guilty na.

Tinititgan niya lang ako at saka siya nagmadaling kumain na para bang hinahabol siya ng aso. “Oh? Ba’t ka nagmamadali?” di siya sumagot at uminom lang ng kape saka lumabas. Ngumiti ako ng mapakla.

Simula nung araw na ’yon ay di niya na ako pinapansin ang mas malala iniiwasan niya ako na para bang may nakakahawa akong sakit. Masakit, oo. Pero, kelangan kong magtiis. Kasalanan ko e. Naramdaman ko namang may mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko. “Argh! Peste! Kelan ka ba mauubos luha ka?” natatawa kong saad. Baliw na siguro ako pero, ewan.

Nawalan na ako ng gana kumain kaya naisipan kong pumunta kina Jensen. Wala naman akong pasok ngayon e dahil lunes. Naligo na lang ako at nagbihis. Pero bago ako umalis ay nagiwan ko ng post it sa pinto ng kwarto niya na may nakalagay na  ‘Sorry, Migz!’ at may smiley. Nang sigurado ako di yun mahuhulog ay saka ako sumakay papunta kina Jensen.

Di pa ako nakakapasok sa bahay nila ay may biglang humablot sa kamay ko. “Shet!” sigaw ko. Dyos ko po. Bata pa ako. Wala rin po akong pera! Tulungan niyo ko! “Hey, chill! It’s me Kirby!” napatigil ako sa pagdadasal at dinilat ang isang mata ko. Nung marealize ko ang itsura ko ay pinalo ko si Kirby. “Walangya ka! Ikaw lang pala yan! Saka wag kang feeling close sa akin! May kasalanan ka pa kay Jensen!” saad ko habang pinapalo parin siya. Panay naman ang cover niya at ilag sa mga palo ko. “Hey! Stop! I’m here to ask for your help.” Saad niya na nagpatigil sa akin. Napataas ang kilay ko. “Anong tulong naman ang kelangan mo?” saka ko siya tiningnan ng nagdududa. Bumuntong hininga siya. “Here goes nothing…”

 

 

 

 

**

 

 

 

“ANO!?” nanggigil na sigaw ko. Aba punyaterang Glendee yun! Ang harot! Sarap lang ipagahasa sa kabayo! Letse! “Wag ka nga sumigaw!” saad niya. Umirap ako asaka ikinumpas ang kamay ko sa hangin. “At pano ako di sisigaw—“ di ko natapos ang sasabihin ko dahil umeksena siya. “Ugh, isasara ang bibig?” tanong niya. Binatukan ko naman. Gago kausap e di ko to tulungan. “Letse! Di kita tulungan dyan e! So yun nga! Pano ako di sisigaw eh nagluluksa naman pala para sa wala ang kaibigan ko. Di ka naman pala batang—teka di ka na bata—Gwapong ama!” saad ko. Umirap naman siya. Ay kung di ko lang alam na patay na patay to kay Jensen iisipin kong kalahi to ni Eba na napunta ang kaluluwa sa katawan ni Adonis. Tsk.

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon