Chapter 9

3.8K 79 2
                                    

Chapter 9

 

 

 

Nagising ako nang matamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Ugh, goodness! Di ko ba naisara ang bintana? Umikot ikot ako hanggang sa rumehistro sa utak ko na wala nga pala ako sa bahay ko. Napabangon ako bigla at tiningnan ang paligid. Napabuntong hininga ako saka ginulo ang buhok ko. Damn! Ang sakit ng ulo ko dahil ala una na ako nakatulog dahil namamahay pa ako. Letsugas na body clock! Anong araw ba ngayon!?

Nilingon ko ang side table at nakitang lunes pala ngayon. Wala akong klase kapag lunes kaya pwede akong di gumising ng alas singko ng umaga. Ugh, My God! Bumaba na lang ako dahil di na rin naman ako makatulog.

Pagbaba ko ay nakita kong medyo madilim pa, pwedeng magjogging. Uminom lang ako ng gatas saka umakyat para maligo at nagbihis ng pangjogging.

**

Let it go , Let it go
Can't hold it back anymore
Let it go, let it go
Turn my back and slam the door

The snow glows white on the mountain tonight
Not a footprint to be seen
A kingdom of isolation and it looks like I'm the queen
The wind is howling like this swirling storm inside
Couldn't keep it in
Heaven knows I tried...

 

Napatigil ako sa pagjojogging nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pinunasan ko mun ang pawis ko at saka uminom ng tubig na dala ko bago ko sinagot ang tawag.  “Yes ma?” saad ko at pinunasan ang bibig ko ng tuwalya saka kinabit ang earphones. Tinatamad akong hawakan ang cellphone ko.

“Camille magbihis ka na at may pupuntahan kayong business meeting ni Francis.” Naubo naman ako bigla. Tiningnan ko ang relos ko. “Anong oras po?”

“Mga 12:30.”  Nanlaki ang mata ko. Ugh, another whole day with Miguel. Napabuntong hininga ako. “Okay mom. Bye.” Saka niya binaba ang tawag. Medyo malayo layo pa dito yung bahay kaya kelangan ko nang magsimulang magjogging ulit.

Habang nagjojogging ako ay bigla nalang akong may nakasalubong na aso. Ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa mukha ko. Takot ako sa aso kaya di ko alam kung anong gagawin ko. Shet! Wala naman yan dito kanina ah? “S-shoo! Doggy, shoo!” sigaw dapat iyon pero pabulong nang lumabas sa bibig ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Naaalala ko kasi yung nangyari sa kaklase kong namatay dahil sa kagat ng aso noong gumagala kami kaya takot na takot na ako sa aso na di ko alaga. Kahit nga alaga ko wala akong tiwala eto pa kaya?! Di ko nga alam kung napaturukan ito ng anti-rabies e! Huhu!

“Camille?” napalingon ako sa likod ko at halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko si Francis. For the mean time kakalimutan ko ang pagka-asar ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan. “M-miguel, tulong?” saad ko saka tinuro yung aso. Tinitigan niya naman ako saka ngumisi. Don’t tell me… “Ayoko.” Saad niya saka pinaandar ang bike niya at dumaan lang sa aso. Napalunok ako, walangya talaga yun! Parang gusto ko na umiyak. Wah, mami! Huhuhu!

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon