Chapter 12

3.3K 66 2
                                    

Chapter 12

 

 

 

 

Nakahalumbaba ako habang tinititigan ang mga documents na ibinigay ni mama. Alam niyo, pwede na tong pamalit sa math sa pagpapaantok sa akin. Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag-ring. Tumatawag pala si Mama. Ano kayang problema?

“Yes ma?” nakangiting bati ko kahit di niya naman ako nakikita.

“Darling nabasa mo na ba yung documents?” napabuga ako ng hangin saka tumango. “Yes, fortunately.” Narinig ko ang tawa ni mama sa kabilang linya. “Umaatake na naman yang katamaran mo Camille ha?” saad niya na nakapag-pangisi sa akin.

“It’s in the blood, mother.” Saka kami sabay na natawa. Bigla namang pumasok si Miguel sa mini office nitong bahay namin ng walang paalam. Kumunot ang noo ko. “Oh! By the way dear, ime-meet mo yung representative ng Velasquez Co.” tumango ako habang nakatitig parin kay Miguel na paikot ikot sa buong office. Peste nakakahilo ha!

“Camille are you listening?” nagulat ako ng tawagin ni mama ang atensyon ko sa phone. “Ah yes. Of course… mom.” Nakangiti kong saad. “Okay! Pirmahan mo na lang yang papers at maghanda kana dahil 3:30 ang oras ng meeting niyo.” Saad niya saka nagpaalam at ibinaba ang tawag. Sumandal naman ako sa swivel chair ko at nagde-kwatro.

 

 

“Anong hinahanap mo at di ka man lang kumatok?” actually sa ilang buwan naming pagsasama ng bahay ay sanay na ako sa ugali niya. Yes, kahit di ko namamalayan ay limang buwan na kaming magkasama sa iisang bahay niyang si Miguel pero kahit ganun simula nung araw na nakita ko ang malulungkot niyang mata ay nagging ilap na siya sa akin although minsan kinukulit niya parin ako gaya ng dati. Well, I really don’t care.

Weh? Tanong ng bahagi ng utak ko. Psh. Okay, I have a confession to make. The more na kinukulit niya ako the more ko napapatunayan na nagkaka-crush ako sa kanya. Well, crush lang naman diba? Hanggang dito lang to. I know myself. Madali akong magsawa. Pero alam niyo kung anong nakakatawa? Tuwing bumibisita sila mommy at tita Esca dito ay umaakto siyang parang ang sweet naming dalawa at nagkakadevelop-an na kami. I guess, the deal is still on.

“Nakita mo ba yung—Ah shoot! Nevermind!” saad niya saka binuklat yung mga music books chorva niya. Nang di niya siguro nakita ay ibinalik niya ang mga iyon pero may nahulog ng di niya namamalayan.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Tell me what is it and I’ll help you look for it.” Nilingon niya ako at umiling. “Nah. I can do this my self—fudge! Where the hell are you!?” pabulong niyang sinabi yung huling linya pero rinig ko parin. Nagkibit balikat ako at pinulot yung nahulog

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon