Chapter 4

5.1K 81 2
                                    

Chapter 4

Tahimik kami ngayon sa kotse. Ako si Mama at si Papa na lang. Wala na sina kuya at ate nauna na siguro. Pakialam ko ba? “Anak…”  napapikit ako. “Why?”  mahinang tanong ko saka idinilat ang aking mga mata saka hinarap si mama na katabi ko ngayon. Bumuntong hininga siya. “Kasi kailangan.”  Napangisi ako. Oo nga naman. Ano nga bang rason ng mga engagement ek-ek na yan? Dahil naman talaga sa pagmi-merge ng kompanya diba? Para mapalago. Damn! My life is friggin’ cliché! Ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ng mga bida sa mga drama at pati na rin sa mga libro. Ito pala. Damn! Alam niyo yung para kang natrap sa isang gubat na puno ng mababangis na hayop at ang nagiisang paraan para makalayo sa mga ito ay magpakamatay!? Yun! Yung ang nararamdaman ko ngayon! “Kasi kailangan? Sabihin niyo para di kayo mawalan ng pera! Ma! Wala ka ba talagang tiwala sa akin!? Kaya kong palaguin ang kumpanya nang hindi nagpapakasal sa lalaking yun!”

“Wag mong pagtaasan ng boses ang mama mo Camille.”  Kalmadong saad ni papa sa driver’s seat. Yumuko ako. Sorry naman diba? Di ko kasi mapigilan. “You have no choice.”  Napalingon naman ako kay mama na ngayo’y nakangisi. “What do you mean?”

“Ayaw mo naman siguro mawalan ng mana diba? Nakasalalay ang mana mo dito Camille kaya talagang mapipilitan ka.” WOW. “Wow ma. Ganun ka baba ang tingin niyo sa akin? Edi tanggalin niyo ang mana! Wala akong pakialam! Hinding hindi niyo ako mapipilit matali sa lalaking yun!” saad ko at binuksan ang pinto saka bumaba. “Camille!”  rinig kong sigaw ni mama pero sinara ko nalang ang pinto ng padabog.

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at nakita ko si Ate na may kausap sa phone. “Hahaha! Oo nga e—” padabog kong isinara ang pinto kaya’t natigilan siya. “Wait ha?---WHAT THE HELL CAMILLE!?” napalingon ako sa kanya na ngayo’y inirapan ako. Sige tutal badtrip ako sa’yo ko ilalabas to. “Gusto mo dukutin ko yang punyetang mata mo?! Sige irap pa! Maduling ka sana! Nyeta!”  sigaw ko at sinipa ang sofa. Wala akong paki-alam kung sumakit o mabali ang paa ko. Napanga-nga siya sa sagot ko sa kanya dahil bihira akong magmura dito sa bahay.

Patakbo akong umakyat sa kwarto. Grabe! Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya’t napatingin ako dito. Binasa ko ang message. Naospital si Sen? Nagtext ako kay Tin na pupunta ako. Nagreply naman siya na bukas na daw kami pupunta. Might as well doon nalang tumambay magdamag kesa naman dito.

**

“Anak ng tinapa! Nakidnap ba si Camille?”  tanong ni AJ sa katabi niyang si Leann. “Mga ogag kayo! Andito lang ako kung makapagusap kayo parang wala ako ah?”  kanina pa kasi nila inaasar si Tin dun sa shitmate niya daw. Indenial pa ang gaga eh mukhang may gusto naman. Simula kasi kanina nang magkita kami eh di pa ako gaano nagsasalita. Wala badtrip parin kasi ako hanggang ngayon kaya tahimik lang ako. At wala eh wala akong gana kaya di ako makapanggatong sa kanila.

Biglang may tomboy na umakbay sa akin. Joke lang. “Anyare sayo Cambabes? Anong problema?”  tanong ni Nicole na siyang umakbay sa akin. “Mukha ni Tin pare. Pinoproblema ko.”  Binatukan naman ako ni Tin. “Walangya ka! Parang di mo ako katabi ah!” napalingon naman ako sa kanya. “Oy. Katabi pala kita? Nyeta akala ko lamang lupa eh. Sorry ah?”  natawa naman sila sa amin. Inirapan lang ako ni Tin pero tumawa rin kalaunan. “Wifeeeeeey!” pambungad ko sa kanya nang makapasok kami sa kwarto niya.

Nagchismisan lang kami nang nagchismisan hanggang sa nagkayayaan kami na umuwi. Hapon na rin kasi. “Sige! Mauna na ako sa inyo may dadaanan din kasi ako sa NBS.”  Tumango lang sila sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila.

Patawid na sana ako papunta sa mall nang may biglang humila sa akin. “What the!” saad ko. Narinig ko naman ang malakas na pagmumura ng lalaking humila sa akin. Hinarap niya ako sa kanya. “Masasagasaan ka na at lahat nakatunganga ka parin!” napanga-nga ako. Nagulat ako nang may lumapit na lalaki sa akin. “I’m sorry miss!”  tumango nalang ako hanggang sa makaalis na yung muntik nang makasagasa sa akin. Hala shet. Asaan ba kasi ang kaluluwa ko?

Nanag mapansin kong yakap yakap parin ako ni Miguel eh humiwalay na ako. “Salamat.” Saad ko at sinuklay ang buhok ko at hinayaan itong pumadausdos sa balikat ko. Nakita ko naming tinitigan niya ako. Napataas ang kilay ko. Umiling siya. “Ano?” tanong ko. Umiling ulit siya. Naputulan na ata ng dila. Umamba na akong maglalakad nang bigla niyang higitin ang braso ko papalapit sa kanya. What now? Tinaasan ko siya ng kilay. “Sa mall ka papunta diba? Sabay na tayo.”  Nagkibit balikat ako pero sumabay na rin sa kanya paglakad niya.

“Sa NBS na ako. Ge.” Tumango naman siya at umalis. Pumasok naman ako sa National Bookstore. Naghahanap ako ng pwede kong basahin pampatay ng oras. Di rin nagtagal ay nakahanap na rin naman ako ng libro. Bago ko bayaran ay saglit akong napadaan sa scrapbooking section. Napangiti ako. Naalala ko nung bata pa ako. Ang hilis hilig ko gumawa ng scrapbook. Kaya pag yun ang project sa amin noon tuwang tuwa ako na siyang kabaliktaran nang nararamdaman ng mga kaklase ko. Pumila na ako at binayaran ang libro.

Nakapila ako ditto ngayon sa KFC. Nagutom kasi ako kaya bumaba ako at pumunta sa KFC. “What’s your order ma’am?” tanong ng babae. Ngumiti ako saka sinabi yung kakainin ko. Sabi niya mga five minutes daw. Tumango ako saka kinuha yung tray na may number.

Packaging tape! Ang daming tao. Wala naman akong plano kumain ng nakatayo ngayon. Tss. “Hoy. Dito.” Napalingon ako sa nagsabi ng hoy. Di naman ako assuming. Kilala ko lang talaga ang boses. Lumapit naman ako dun sa kanya at umupo sa kaharap na upuan. “Salamat.” Simpleng saad ko at tumingin sa may bintana.

Kung mapapansin niyo, iniiwasan ko siya. Kung bakit? Ewan ko din. Nakakailang kasi lalo na yung mga titig niya. Buset eh. Ang lagkit! Kung di ko lang talaga to kilala nako! Napagkamalan ko na tong may pagnanasa sa akin. Tss. Di rin nagtagal eh dumating na yung order ko. Isang piece ng chicken at krushers. “Heavy ng inorder mo ah?”  saad niya sabay kagat sa burger niya. I shrugged. “I’m hungry.” Saad ko saka pumikit upang manalangin para sa pagkain. Pagdilat ko nang mata nakita ko nanaman siyang nakatitig sa akin. Sumubo ako. “It’s actually rude to stare.” Saad ko at tinitigan siya. Ngumisi siya. “Not if you’re staring at a beautiful lady.” I grimaced. “Playboy.” Bulong ko na di ko naman sukat akalaing maririnig niya.

“I’m not a playboy. Mapagmahal lang sa babae.” Saka siya humalakhak. “Manahimik ka na bago ako mawalan nang gana.” Saka ko siya inirapan pero tinawanan niya lang ako saka ginulo ang buhok ko. Wala naman akong paki dun. Note: Pag gutom ang isang Camille Lia Alonzo wala siyang pakialam sa mundo.

Pagkatapos ko kumain eh sumabay siya sa akin. Naglakad lakad kami sa department store. “What is this? A ‘Get-to-know-each-other’ moment?” napairap ako. Tumawa naman siya. “I guess so.” 

Hinarap ko siya. Alam kong may kailangan siya. “Tell me frankly. What do you want?” ngumisi siya. “Let’s have a deal.” 

Ano daw? Deal? Anong deal naman kaya?

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon