Chapter 3

6.1K 97 2
                                    

Chapter 3

Naglalakad lakad ako dito sa lugar na dyos lang ang may alam kung asaan. Letseng Miguel yun! Pagnakita ko yung masasapak ko talaga siya! Diyos ko! "Ay anak ng palaka!" napatingin ako sa kotseng muntik na akong sagasaan. Lumapit ako sa bintana. "Hoy letsugas ka! Kung masagasaan mo'ko ha!?" tanong ko at sinipa yung gulong. Aray! Masakit! 

Nagulat ako ng ibaba ng may-ari ang bintana. "Di naman kita nasagasaan diba?" umirap siya. BAKLA! "Sakay na." may narinig pa akong binulong niya pero wapakels. Di pa ako gumagalaw kaya tiningnan niya ako. "Sasakay ka o sasakay?" nataranta naman ako. Aba! Baka iwan ako no. Masisipa ko talaga to!

Pero dahil takot na ako maiwan ay sumakay narin ako. Nakita ko pa ngang inirapan niya ako. Binuksan niya rin ang windshield at ngayo'y nadadala na ng hangin ang buhok ko. "You look familiar..." saad niya. Napalunok naman ako. shet. Baka naman pagnalaman niya ay di niya lang ako iwanan. Worse, baka ilaglag niya ako dito sa sasakyan niya. Jusko!

"Malamang! Nagkita kaya tayo kanina! Tanga lang kuya?" sagot ko at inirapan siya saka humalukipkip. Nakita kong namang tinaasan niya ako ng kilay. "As what I've expected. Di ka talaga matino kausap." tiningnan ko siya. "Matino akong kausap, kung matinong tao rin ang kausap ko." saka ako ngumisi. Nagsalubong naman ang kilay niya. "Sinasabi mo bang di ako matino kausap?" 

Natawa ako at tinaasan siya ng kilay. "Ikaw nagsabi niyan ha? Hindi ako. Sa bibig mo galing yan." nagtagis naman ang bagang niya. That's right mister. Iinisin kita dahil iniwan mo'ko kanina, letsugas ka! 

Napatingin ako sa dinadaanan namin. "Hoy, pasan tayo?" di niya ako sinagot. Nagtanong ulit ako pero di ko siya nililingon. "Pasan kasi tayo?" napabuga siya ng hangin. "Can you please shut up? You're fckin' annoying." natigilan ako sa pagmumura niya. Letse to! Minumura ako!? 

"Edi wag mong sagutin! Peste ka! Makamura ka sa akin akala mo pinapakain mo'ko! Bwisit!" saka ko padabog na sinandal ang likod ko sa upuan. Tahimik lang kami buong byahe. Walang nagsasalita. Walang may plano magsalita. Napansin ko nalang na huminto na ang sasakyan sa isang mall. Tinaggal ko agad ang seatbelt ko at lumabas. Di na ako nagthank you. Pinaka-ayaw ko kasi sa lahat eh yung minumura ako. Pakiramdam ko kasi nakakaloko sa akin ang nagmumura. 

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may biglang humila sa braso ko. Sasapakin ko pa sana nang bigla niyang hawakan ang free hand ko. "Hey!" saad niya. Tiningnan ko siya ng masama. "What do you want? Lumayo na nga ako sa'yo diba? Bitiwan mo nga ako!" saka ko hinablot ang kamay ko mula sa kanya at naglakad na ulit. 

"Camille!" tawag niya. Di ko siya nililingon. Bwisit ka! Manigas ka! "Oy, Camille!" tawag niya ulit. Di parin ako lumilingon. "Babe! Alam kong galit ka. Sorry na oh?" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. WATDAHELL!? Marahas akong lumingon sa ngayo'y mukhang tuta na si Miguel. Bwisit to, nagpapaawa pa! Inikot ko ang tingin ko at Damn! Ang daming tao. Oo, mahilig ako mantrip pero di ko naman gusto yung ganito! Ang awkward! 

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon