Chapter 5

4.3K 93 2
                                    

Chapter 5

“Let’s have a deal.” Aniya sabay lapit sa akin. “Deal mo mukha mo. Wala akong paki-alam sa’yo! Lumayo-layo ka nga!” sabi ko sabay tulak sa kanya. “Oh come on Cams, I know you’ll like this deal of mine.” Napairap ako. How can he be so sure na magugustuhan ko yan? Tinitigan niya ako. Putek naman kasi! Baka mapapayag niya ako nito! Ba’t kasi siya tumititig sa mata ko? Ngumisi siya habang nakatitig sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin. Mukhang di talaga ako titigilan nito ah? I sighed as a sign of defeat. Napangisi naman agad siya.

“Pumayag ka na, pambawi lang sa ginawa mo sa akin nung unang beses tayo nagkita.” Wait. Alam niyang ako yun? Ugh. Napairap ako. Saka, ano pa ba ang tawag sa ginagawa ko ngayon? Di pa ba ako pumapayag? Tanga din ito e. Di makahalata. “Ano nga?”  naiirita kong tanong.

“Be my girl for six months.” Nanlaki naman agad ang mata ko. “What!?”  sigaw ko na nakahakot ng atensyon mula sa mga tao sa department store. Tiningnan ko sila. “What? Mga usyusera!” saad ko at umirap. Oo, eskandalosa kung eskandalosa. Wala akong pakialam.

“Don’t make a scene. Dammit!” saad niya. Tiningnan ko siya nang naka-kunot ang noo. “Sisihin mo sarili mo! Sa lahat naman kasi ng hihilingin mo yun pa!? Hell no!” nagtagis ang bagang niya. “Look! Kung ikaw gustong mawalan nang mana, ibahin mo ako.” Tinitigan ko siya. Seryoso? Mukha siyang pera. Hah. “I know what you’re thinking. Na mukha akong pera? Damn I don’t really care. Wala kang alam kaya wag kang manghusga.”

Bigla naman akong naguilty. Oo nga naman. Anong alam ko? Napayuko ako. “Please.” Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin. Ganun ba kahalaga ito sa kanya? “Papayag ako kung sasabihin mo ang rason…” napalingon siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Damn. Don’t look at me like that! Nakakailang! “…rason kung bakit gustong gusto mong matuloy ang engagement.”


Natawa siya. “Let’s say, may gusto akong gawin pero di ko magawa-gawa dahil di ko kaya.” Ngumisi siya. Napabuga ako ng hangin. “Siguraduhin mong di ka nagbibiro. Kuha mo? Dahil papaya ako para sa’yo.” Halata kong nagulat siya. “Para sa akin? So ayos nga lang sa’yo na mawalan ng mana?” natawa ako. Naalala ko yung panakot ni mama sa akin. Kung takot akong mawala yang mana nay an edi sana dun palang nasindak na ako. Pero, hindi. Wala akong pakialam jan sa pera na yan. Di ko naman madadala yan kung mamamatay ako eh. “Wala naman talaga akong pakialam sa mana na yan kung kalayaan ko lang din ang kapalit. Ano yun? Nasa akin lahat ng material na bagay pero ignorante ako sa nangyayare sa paligid ko? Sa mga pwede ko pang maranasan?” saad ko. Napansin ko namang napayuko siya.

“Wow. I sure am selfish.” Ginulo ko yung buhok niya. Teka, baliktad ata? Diba dapat lalaki yung gumaganon sa babae? Hahaha. “Di naman. May gusto ka lang talagang makamit.”

“So…?” he looked at me hopefully. Ay shunga din ito eh. Di nalang sana ako nagpakwento ano? Hahaha. “Oo na. Payag na ako.” Ngumiti naman siya. “At ngayon na magsisimula yun dahil nakikita ko ang mama ko at mama mo sa women’s section na nakatingin sa atin.” Pasimple naman akong napatingin sa WS at nakitang tama nga siya. Really mom? Sinundan mo talaga ako? You look like an obsessed stalker!


Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at halikan ako sa pisngi. “Oy peste. Pabigla-bigla ka naman!” saad ko. Kinagat ko ang labi ko dahil nahihiya ako. Nakita ko namang ngumisi siya. Buset ka po. With feelings. “Di pa nga natin napapag-usapan ang mga rules tungkol dito!” pabulong pero may diin kong saad. Natawa naman siya. “Mamaya na natin pag-usapan yan. Lapitan muna natin yung dalawa na kasakukuyang kinikilig.”

“Yuck.”

“Seryoso. Kahit tingnan mo pa.” natatawa niyang saad. Umirap ako. “Whatever. Whatever.”

Lumapit kami sa dalawa na kasalukuyang nakatalikod. “Ma.” Saad naming dalawa. Natigilan naman sila. Humarap ang mama ni Miguel. “Oh? Francis? Andito pala kayo ni Camille? Wow. Nagdedate na ba kayo?” nakangisi niyang saad.

Hinila ako ni mama. “Ma. Isa ka pa. Wag kang magdeny nakita namin kayo kanina.” Ngumisi siya. “At sinong may sabing ide-deny ko? Aber?” umirap lang ako. She can really be weird at times. “So? Ibig sabihin ba nito pumapayag ka na?”  she asked hopefully. Ngumiwi ako. “Kami na nga diba?” Gosh. Magmu-mumog ako mamaya. Nakakakilabot.

“You made the right choice anak.” Napatingin ako sa sahig. “Pag ako nasaktan ma, kasalanan mo.”  Di ko alam kung saan ko yun nahakot pero biglang hinawakan ni mama ang baba ko saka inangat ang mukha ko. “Di ka naman masasaktan kung hindi mo siya mamahalin eh.” Natigilan ako saka tumango. “Impossible.”  Saad ko. Imposibleng mahalin namin ang isa’t isa. Kailangan niya nang pera at di ako makasarili. That’s it.

Napatingin ako sa kasalukuyang tumatawa na si Miguel. Well, who knows?

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon