Chapter 13

3.2K 62 1
                                    

Chapter 13

 

 

 

 

Wala sa sarili akong umuwi sa bahay. Damn it, Camille! Bakit baganyan ka magreact? Di mo gusto si Francis hindi! Natigil ako sa pagmumuni muni nang may makita akong pamilyar na sasakyan sa bahay. Sila mama?! What the—

Mabilis pa sa alas kwatro akong nakarating sa bahay. Pagpasok ko pa lang ay nakita kong nagkakatuwaan sila. “Oh darling!” saad ni Miguel. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Well, what can I do? The show is on.

Nilingon ko siya saka nginitian. “Hi Ma, Tita.” Saad ko. Lumapit si Miguel sa akin saka niyakap ang bewang ko. “Ang sweet talaga ng mga batang ito oo!” ngumiti lang ako. Ganto naman palagi e. Sweet siya sa akin. Peste diba? Kaya ako nahuhulog e!

Inamin mo rin? Tanong ng isang bahagi ng utak ko. Napabuntong hininga na lang ako ng mahina.

“Esca, tumatawag na si Mr. V. I think kelangan na nating umalis.” Saad ni Mommy. Lumingon naman sila sa amin at nagpaalam. “Be nice to each other okay? Konting tulak na lang to.” Saka kumindat si Tita Esca kay Mommy. Napangisi nalang ako dahil di ko sila maintindihan.

Nanag makaalis sila ay back to normal na naman kami. Parang walang nangyari. Ganun naman palagi e.

Paakyat na sana ako nang bigla akong tawagin ni Miguel. “Nakipagkita ka sa mga Velasquez diba?” napamaang ako. Saa—Oh. Syempre malalaman niya. Narinig niya ako kanina e at malamang sa sobrang kadaldalan nina mama ay masasabi talaga kung saan ako nagpunta.

Tumango ako at hinarap siya, “Yes. You want to ask me if I met Carmine? Yes—” nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.

“You want to know the real reason why I ask you to act like you’re my girlfriend for 6 months?” napanga-nga ako. May totoo pang rason? “It’s because I wanted to use you. Gusto kitang gamitin para makuha ko si Carmine sa pinsan kong si Lance.” Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Naglakad siya papunta sa table at ininom yung canned bear na di ko namalayang andun pala.

Aray naman Miguel. Bakit ganyan ka? Kung kelan sigurado na akong may nararamdaman ako para sa’yo saka mo naman ipinaalam ang talagang pakay mo.

Humarap siya sa akin at tumitig sa mata ko. Letseng mga matang yan! “Camille, you’re kind. You’re sweet. You’re one of a kind but…don’t expect too much.” Naningkit ang mata ko lalo saka natawa ng may halong pagkaasar.

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon