Chapter 22

3.4K 63 1
                                    

Chapter 22

 

 

 

“Not enjoying the party?” napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Isang lalaking umiinom ng wine. It took me minutes to tell who he was. “Prince. You’re back.” I said casually and without smiling even a bit. Obviously, you could tell I was not enjoying this darn party. I’m getting paranoid the longer I stay here. “Obviously, I am.” He chuckled but I just shove it off and scanned my eyes around the place.

Hindi ko pa naman nakikita ang kahit anong anino ni Miguel—and shameful truth, hinahanap ko siya. “Disappointed because it’s me who saw you and not Miguel, ah! Lovesick. Yuck.” Natawa ako sa sinabi niya. He’s right and wrong. First of all, I wasn’t expecting Miguel to look for me. Second, yes I’m disappointed but not because It’s Prince who approached me but because I didn’t saw Miguel.

Diba pareho lang yun? A voice in the back of my mind asked. Whatever.

“Kelan ka pa bumalik?” tanong ko sa kanya saka sumipsip ng kaunti sa wine ko. “Well, kakabalik ko lang talaga kaninang umaga tapos nung narecieve ko ang invitation natulog lang ako saglit at dumiretso na dito, which I think is a wrong decision.” Nilingon ko siya, “It’s boring.” He added. I can almost see him rolling his eyes from here.

Prince, well. He’s not that handsome but he has this, what do you call this…ah! Sex appeal. Grabe din yung presence niya. Nakaka intimidate at halatang threat sa ibang lalaki. Well, magaling siyang magdala ng damit. May sense  of humor din—“Ano nainlove ka na sa akin?” Nasabi ko na bang mayabang din? Inirapan ko lang siya at ininom ang wine ko ng diretso, which is a bad decision. Argh! “Cute mo pag naaasar. I wished I was your fiancé and not Miguel.” Naubo ako ng di oras sa sinabi niya. Nilingon ko siya at nageexpect ako ng playful grin na makikita ko sa mukha niya but I was stunned when I saw nothing but his serious face. Well, kalahati lang kasi ang may maskara sa kanya.

“Miguel and I used to be best buddies.” I’m not asking, Prince. I sighed and continued to listen. “I know you may not be interested but I just want to tell you.” Inayos ko ang buhok ko, “Then? What happened next? Bakit di na kayo close?” he shrugged. “Maybe it’s because of Carmine.” Ouch. “He fell in love with my twin sister but then Carmine is head over heels kay Lance na pinsan ni Miguel. Small world, tch.” Napailing siya, “He asked for my help and so as Carmine. Syempre, blood is thicker than water nga diba? Si Carmine ang tinulungan ko kay Lance. He was furious but I don’t care. Mas uunahin ko ang kapatid ko kesa sa kanya.” I was shocked kaya tumango nalang ako dahil naubusan ako ng sasabihin. He became the bridge of Lance and Carmine? Di naman na din ako nagpaplano tanungin kung kaano ano niya si Lance.

He sipped from his goblet, “I knew the deal between you and Miguel. I heard it. I was there—at the mall.” He raised his glass and smiled. Not the creepy smile but the forced one. “I was disappointed with the reason he told you. It’s not true, Cams.” Dun nagsimulang tumaas ang kilay ko. “Anong alam mo?”

“Hindi totoo yung rason na sinabi niya sa’yo. Lahat yun ay pawang gawa-gawa niya lang. The real reason? Gagamitin ka niya para ibalik ang dapat sa kanya at pag nagawa niya na yun itatapon ka na lang niya basta…yan ang ugali niya.Napapikit ako. Masakit marinig yun sa isang dating kaibigan niya. He’s best buddy to be exact. Malamang sa malamang mas kilala niya si Miguel kesa sa akin.

Nakaramdam ako ng kamay na nagalis ng maskara ko. Bago ko pa mapigilan ay natanggal na niya. “Camille, you’re inlove with him.” Words didn’t came out as a question but a statement. I nodded my head in agreement. Ba’t pa magdedeny e halata na sa actions ko?

He hugged me, “Di ko masasabing maling tao si Miguel but…I don’t know Camille.” Tumango ako saka siya tinulak ng marahan. Tatayo na sana ako pero hinila niya ako. “Let’s dance. Shall we?” Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko kaya tumango ako.

Habang nagsasayaw kami obvious ang pagtitig niya sa akin, “I saw that same expression in Miguel back then when he knew about Lance and Carmine.” Ngumisi lang ako at di na nagsalita. I’m feeling exhausted.

“Now for the twist! Ever heard of the game’ Partner for Forever’?” natigil kami at lumingon sa Emcee. Napataas ang kilay ko, anong laro naman yun? Ang korni ng title ha? “Yeah I know. Korny ang title but this game is actually true. Ganto yan. Mag-e-exchange kayo ng partners kada magpapalit ang music. Titigil lang ang pagpapalit ng music pagdating ng 12 o’clock. I know cheesy but my parents and Mr. and Mrs. Medoza are the living proof of this game. Wala naman mamatay kung itatry right?” Seriously? Tito Kiko and Tita Esca? Napailing ako. Ang OA. Uupo na sana ako ng hilahin ako ni Prince. Nagsimula nang magplay ang music.

“Come on Cams. Wag kang KJ.” Nakangisi niyang saad. I stared at him stunned. “Naniniwala ka talaga?” natawa siya. “My parents are also a living proof of that game. Malay mo ikaw makapartner ko sa 12 o’clock.” Natatawa niyang saad. Napailing ako. Grabe. Sabagay wala namang mawawala.

Una kong nakasayaw si Prince. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa parents niya. Nalaman ko din na, hindi siya showy sa taong gusto niya which I find it amazing. Mahirap magtago ng nararamdaman sa taong gusto mo.

Nang matapos ang isang music ay pinasa ako sa lalaking nasa gilid ko. Di siya nagsasalita kaya weird at the same time awkward. “Camille.” Natigilan ako ng magsalita siya. “Michael? Ikaw pala.” Tumano siya di ko alam kong ngumiti o ano dahil full face mask ang gamit niya.

“Nakita mo na siya?” alam ko kung sinong tinutukoy niya kaya iniba ko ang topic. “Really, Mendoza Hotel is quite—” di ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya. “Oh come on. Iniiwasan mo parin?” natatawa niyang saad. “Mahina ka pala e.” nagdilim ang paningin ko at nasampal ko siya—even though may maskara siya. “Mahina kung mahina pero wala kang alam.” Timing natapos na ang music.

Aalis na sana ako ng hilahin ako ng isang lalaking di pamilyar sa akin. No pamilyar siya pero di ko makilala kung sino. Yung hairstyle di pamilyar. Sino to? “Leave me alone.” Di siya nagsalita pero hinila parin ako sa gitna. Mukhang wala na akong kawala kaya nagpahila nalang ako sa kanya. Anong point ng paghila ng kamay ko pabalik?

“Okay! It’s 12 o’clock! Meaning kung sinong partner niyo might be your partner to forever!” walang emosyon kong nilingon ang stage na pinagbabaan ng emcee. Really? Psh. Asa. Game lang yan. Sumayaw lang kami nitong estranghero. I froze when his hands touched my waist. Napalunok din ako. Bakit…familiar?

Dumistansya ako ng kaunti sa kanya dahil nagsisimula na akong mailang. Napatigil kami sa pagsayaw nang may fireworks kaming nakita sa labas. Pero nang lalapit ako ay bigla akong hinila ng lalaki papalapit sa kanya saka nilapat ang labi niya sa akin. Unconsciously, I wrapped my hands unto his neck and kissed him back. He lightly pushed me and started walking away from me…

“Miguel?” di ko nakumpirma kung siya nga dahil di niya na ako nilingon. Kasabay ng isa pang pagputok ng fireworks ay ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.  

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon