Chapter 16

3.5K 70 3
                                    

Chapter 16

 

 

 

 

NAMULAT ako ng masakit ang ulo. Ang lamig lamig din ng paligid di ko ba napatay ang aircon? Pumihit ako patagilid pero nagulat ako nang may matamaan ako. “Hmm…” ungol ng katabi ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon at parang nag slow motion ang lahat.

Miguel? Di rin nagtagal ay minulat niya ang mata niya saka ito kinusot kusot. Natawa ako dahil para siyang bata pero bigla rin akong natahimik dahil ang sakit ng ulo ko. “Aw.”

“Camille? Oh kamusta ka na? Ano nang nararamdaman mo?” tanong niya habang inaalalayan akong umupo. Nang tuluyan kong naaninag ang buong kwarto ay nanlaki ang mata ko.

“Wala ako sa kwarto ko.” Di ko sinabi yun ng patanong. Tumango siya saka inayos ang buhok niya. “Di ko mahanap ang duplicate key kaya dito kita dinala dahil baka abutin tayo ng siyam-siyam.” Saad niya saka ako nilingon.

Tinuro niya ang side table, “May gamot diyan. Dadalhin ko lang dito sa taas yung sopas na ginawa ko tapos uminom ka niyan.” Saka siya lumabas.

Napabuntong hininga naman ako. Ano na naman Camille? Nasaktan ka na nga niya diba? Bakit imbis na ang galit mo mangibabaw eh yang kiliti sa puso mo ang nangingibabaw ngayon? My gosh! May mas tanga pa ba sa akin? Ginulo ko ang buhok ko at kinagat ang labi ko out of frustration.

“Camille eto nayung… pagkain.” Halos pabulong niyang sabihin yung salitang ‘pagkain’. Napataas naman ang kilay ko. Kumunot ang noo niya saka dali daling nilapag ang tray sa kama.

Pupungay pungay naman ang mata ko nang tingnan ko siya. “Anyare sa’yo?”

Umirap siya. “Wag mong kagatin yang labi mo.” Saka siya tumabi sa akin. Wag daw kagatin? Teka nga! Nang marealize ko ang nangyayari sa kanya ay natawa ako. Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo. “Ano?” may halong pagkairita sa boses niya. Ngumisi lang ako saka itinuwid ang nakakunot niyang noo. “Wala.” Mahinang saad ko saka ngumiti.

“Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at nasa labas ka ng bahay eh gabing-gabi.” Napatigil ako sa pagnguya ng matanong niya yun. Di niya ba nakita? Nilunok ko naman agad yung nasa bibig ko.

“Ayoko na.” saad ko saka humiga at pumikit. Ayoko nang pag-usapan. Narinig ako ng bumuntong hininga at mga yabag. “You’re really making me confuse. So damn confuse.” Nang marinig kong sinara niya na ang pinto ay may luha na biglang tumulo sa mata ko.

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon