Chapter 15

3.3K 59 1
                                    

Chapter 15

 

 

 

Nang ramdam kong malayo na ako ay saka ako huminto sa pagtakbo. Ewan ko kung nasaan na ako ngayon. Ang alam ko na lang. Sawa na ako. Pero, alam ko rin di ko masisisi si Miguel dito. Bakit? Wala naman siyang ginawa para mainlove ako sa kanya diba?

Ako tong tanga. Ang usapan namin deal lang to. Pero, wala e. Tulad ng mga cliché na storya nagkagusto din ako sa kanya. Ang di lang cliché dito e hindi siya nagkagusto sa akin. Dahil hanggang ngayon? Baliw na baliw parin siya kay Carmine. Sabagay, di na ako magugulat. Maganda si Carmine. Babaeng babae. Eh ako? Maton nga ata ako e dagdag mo pa na wala man lang ata akong kaunting pagka-finesse sa katawan.

Saka, binalaan na ako ni Miguel diba? Although kahit late binalaan niya parin ako. Wag daw ako magexpect. Pero ano? Ag kulit ng lahi ko! Umasa parin ako sa wala.

Ramdam ko na ang pagtulo ng ulan na tila ba sinasabayan ako. Napangiti ako ng mapakla. Sinasabayan mo din ba ako langit? Napahagulhol na lang ako. Ignorante ako sa salitang ‘pagmamahal’ pero gaya ng nababasa ko, ito na ba yun? Itong nararamdaman ko na ba ang tinatawag na pagmamahal? Kung ganoon ba’t ang sakit? Is it necessary? Kelangan ba talaga pag nagmahal ka eh may kahalong sakit? Kelangan ba?

Lumakas pa lalo ang ulan pero wala akong planong magpasilong man lang. Mamatay na ako sa sakit, wala akong paki-alam. Medyo nanlalabo na rin ang paningin ko saka panay na ang ubo ko.

“Camille!?” narinig ko lang ang boses na yun ay gusto ko nang lumayo. “Miguel, wag ngayon please?” sambit ko sa sarili ko. Malayo pa ang boses kaya makakatakbo pa ako. Sinubukan kong tumayo pero bigla na lang akong natumba. “Damn!” mahinang sambit ko. Kailangan kong makalayo. Tama na. Mas nasasaktan ako pag nakita ko ang pagmumukha niya.

Tumayo ako saka pinilit ang sariling maglakad. Camille, kaya mo yan. Makakalayo ka. Makakalayo ka. “Sht. Camille!” di ko na alam ang susunod na nangyari dahil natumba na ako ng tuluyan saka nilamon ng dilim ang paligid ko.

Third Person’s Point of View

 

 

 

“Shit!” natigil sina Carmine at Francis sa ginagawa nang marinig ang boses. Camille? Tanong ni Francis sa utak niya. Si Camille ba ‘yon?

 

 

Nagulat siya nang maramdamang sinampal siya ni Carmine. “How dare you!” nagngingitngit na saad nito. Imbes na humingi ng paumanhin ay tinawag niya ang babaeng unang pumasok sa isip niya nang marinig ang boses. “Camille?” nakarinig siya ng kaluskos kaya alam niya tumakbo na ito. Sigurado siya, nararamdaman niyang si Camille nga ‘yon.

The Deal ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon