***
Aya's POV
First day of school... excited na ako dahil ngayong araw na ito ay Grade 6 na ako! Yehey!
"ma! Alis na po ako, baka mahuli pa ako sa flag ceremony, first day pa naman ngayon." paalam ko kay mama sabay kuha ko sa bag.
"o sige, anak, ito ang baon mo. Mag-ingat ka!" inabot niya ang pera.
"salamat ma" sabay kiss sa cheeks..
--
Sa school, marami nang estudyante... hahanapin ko pa ang pangalan ko...
Pumunta ako sa grade 6 building upang hanapin ang pangalan ko...
"Andrada... andrada... andara aya.." bulong ko sa sarili ko sabay hanap ng pangalan ko sa papel na nakadikit sa mga room...
"Aya!" may tumawag sa akin... familiar ang boses, lumingon ako upang hanapin ito.
Nakita ko naman si Michelle, classmate ko siya nung Kinder at Grade 5. Maganda siya, may kakambal din siya, lalaki, si Michael. Pero hindi kami close masyado, nag-uusap din kami minsan. Kasabay ko rin siya minsan pag mag rerecess kami.
"Michelle! Kumusta?" me.
"okay lang, hinahanap mo ba ang pangalan mo?" tanong niya.
"oo, ikaw?"
"oo, nahanap ko na, at classmate na naman tayo!" sabi niya.
Buti naman, may kakilala na ako sa classroom, awkward kasi kapag wala kang kakilala.
"buti naman! Asan pala ang room natin?" tanong ko sa kanya.
"6-1, section Amethyst. sabay na tayo." Yaya niya sa akin.
"sige. Hmm yung kakambal mo?" tanong ko sa kanya...
"hindi kami classmate nun.. ayun iniwan ako nang makita niya ang pangalan niya. Buti nalang nahanap kita." Sagot niya. Well, hindi ko talaga sila nakikita ng kakambal niya na magkasama, kapag uwian lang sila nagsasabay. Hindi daw sila magkasundo.
Kinamusta ko siya tungkol sa bakasyon niya, grabe ang dami niyang kwento... nagsisisi nga ako kung bakit ko pa yun naitanong eh, hehhe. Hindi pa rin siya nagbabago, ang daldal pa rin niya.
Makaraan ng ilang minute... SA WAKAS! Hehehe... nakarating na kasi kami sa room, buti nalang huminto na siya sa pagdadaldal.
Ang daming estudyante... grabe, nakailang lunok na ako, mauubos na yata tong laway ko... sana magkaroon ako ng mga bagong kaibigan.
Magkatabi kami ni Michelle ng upuan, iba kasi ang settings ng classroom na ito. May 4 na mahahabang mesa at may 10 upuan ang nakapalibot nito, para bang nasa restaurant. At nakaupo kami ni Michelle sa gitna, at napalibutan kami ng mga babae. Nasa dulo kasi ang mga lalaki kong classmate.
Nilibot libot ko ang mga mata ko, baka kasi may gwapo kaming classmate.. hahah joke. Pero diba mas maganda kung may inspiration ka araw-araw...
"hi!" bati ng babae na katabi ko.
"hi." Nginitian ko siya.
"ako pala si Gwen... Gwen Gonzales."
"Aya pala... Aya Andrada."
"nice to meet you Aya!" Gwen. Parang mabait naman siya, maganda din siya...
"nice to meet you too, Gwen!"
Maya-maya dumating na ang adviser namin.
"Good Morning class! I'm Mrs. Erlinda Delos Santos, I'll be your adviser and HE teacher."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain