Chapter 19

1 1 0
                                    

***
Aya's POV

Ilang weeks nalang graduation na!

Magsisimula ngayong araw ang graduation practice namin... Excited na ako!

Okay lang ma-late ngayon, 9:30 pa kasi magsisimula ang practice kaya heto ngayon, nakahiga sa kama habang fini-feel ang malambot na kutson.

Makapikit nga...

Teka, ba't yumuyugyog ang kama? Hala! May lindol ba?

Imaginatio mo lang yan Aya, ipagpatuloy ang pagtulog.

Tama ka...

"HOY AYA! GUMISING KA NA JAN! MALE-LATE KA NA!" Nagulat ako sa sigaw ni Mama...

Napadilat ako biga at nakita kong siya pla ang yumuyugyog sa kama ko.

Si Mama talaga kahit kailan basag trip.

"20 minutes pa po..." Sabi ko.

"Anong 20 minutes? Alam mo ba kung anong oras na? Male-late ka na sa school!"

Hala! Oo nga pala... Nakalimutan kong sabihin kay Mama na ngayon ang graduation practice namin.

Matripan nga... Hihihihihi

"Ayokong pumasok, nakakatamad eh..."

"Anong sinasabi mo jan? Tinatamad ka? Alam mo bang..." Ayan na naman si Mama... Magda-drama kaya pinutol ko nalang ang sasabihin niya.

"Ma, graduation practice namin ngayon... 9:30 pa ang pasok namin kaya chill ka lang jan."

"Ikaw talagang bata ka... Ba't di mo ako sinabihan?"

"Hehehr... Nakalimutan ko kasi."

"Naghanda pa naman ako ng maaga para sa breakfast mo."

"Ano pala ng inihanda mo?"

"Yung paborito mo..."

Bigla namang kuminang ang mga mata ko nang marinig ko yun..
Pero hindi ako sure ha kung kuminang ba talaga ang mga mata ko, basta feel ko lang. Hahaha

Agad akong tumayo sa kama... "Tara na! Kainin na natin ang breakfast."

Gutom na din kasi ako. Hehehehe

Habang kumakain kami ni Mama, may napansin akong isang box sa dulo ng mesa.

"Ma, ano po yan?" Sabay turo ko sa box.

"Pinadala ng papa mo."

"Padala? Ano po ang laman?" Excited kong tanong. Baka kasi may mga chocolate sa loob. Natatakam na tuloy ako... Yum-yum!

Agad akong tumayo at tinungo ang box.

"Teka... Tapos ka na bang kumain?" Pagpigil ni Mama sa akin.

"Hmmm... Sige na Mama, baka may chocolate sa loob..." Pagmamakaawa ko. Hindi pa kasi ako tapos kumain.

"Tapusin mo muna yang kinakain mo."

Well, para tuloy akong batang bumalik sa upuan ko at tinapos ko na lang ang kinain ko.

Pagkatapos kong kumain agad ko namang binuksan ng box.

"Laptop?" Ayy, ba't hindi chocolate? Ang lki ng box tapos laptop lang ang laman?

"Nasaan na ang chocolate? Diba pinapadalhan tayo ni Papa at Kuya ng chocolates?" Malungkot kong sabi.

Napansin ko nang tumawa si Mama.

"Nilagay ko na sa ref, Aya..."

"Talaga? Yehey! May chocolate nga! Pero bakit may laptop? Diba may laptop na tayo?"

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon