***
Aya's POV
Akalain mo yun? 3 months na ang nakakaraan simula nung 1st day. Marami na rin akong kaibigan pero hindi gaano ka close tulad kay Maureen.
Hindi na din kami masyadong magkasama ni Michelle at Gwen, simula nung binago ni Mrs. Delos Santos ang arrangement naming, iba na kasi ang katabi ko. Lumipat kasi kami ng bagong classroom, yung normal na na classroom. Yung may armchair. Gagamitin kasi yung classroom namin, nakakaawa kasi yung unang classroom namin kasi yung bintana dinadaan, short cut kung tawagin, wala kasing grills. Hahaha, naka short cut nga ako dun one time. shhh!
Bago na yung katabi ko, mukhang mabait din, hindi ko katabi si Maureen kasi late akong pumasok kaya ayun, nasa likuran ako nakaupo pero malapit sa bintana, okay na din kasi fresh sa feeling. Hahaha
"Andrada!" napalingon ako. Badtrip ah, finifeel ko yung hangin sa labas tapos may tumawag sa akin.
"bakit?" sungit kong sagot... eh, kasi naman sinira niya yung moment naming ng hangin.
"may naghahanap sa'yo." Sabi ni EJ, seatmate ko. Boys and girls kasi ang arrangement ng upuan kaya naging katabi ko siya.
Tinuro niya ang bintana malapit sa pintuan.
Tumayo naman ako at lumapit dun. Sino kaya ang naghahanap sa akin?
Pagsilip ko sa bintana nakita ko kaagad si Rhian, ang lapad ng ngiti. Ano kayang nakain nito?
"oh, napadpad ka yata dito?" tanong ko sa kanya.
"kung makapadpad, ano ako papel?" may pagkapilosopo talaga tong pinsan ko, ewan ko ba ang bata bata napakapilosopo na.
"eh, bakit ka pala nandito?" tanong ko ulit, inayos ko ang tanong ko para ayos din ang sagot niya.
"eh, nalaman ko kasing lumipat na kayo ng classroom, kaya binisita kita dito. Sabay tayo uwi mamaya ha?" sabi niya. Malapit lang kasi ang bahay nila sa amin.
Well, kung sasabay ako sa kanya, I'm sure makakatipid ako dahil ililibre ako ni Tita.
"sige, puntahan mo nalang ako dito, I'm sure maaga kayong lalabas mamaya."
"sige! Hihintayin nalang kita mamaya. Hmm, teka Ate, saan ka pala banda nakaupo? Hindi kasi kita nakita kaagad."
Pinalapit ko siya sa pintuan, "doon ako nakaupo sa may bintana." Sabay turo sa armchair ko.
"ah, kaya pala hindi kita nakita, ang layo pala ng upuan mo sa pintuan, sige Ate Aya, aalis na ako, babalik nalang ako dito mamaya." Paalam ni Rhian.
Pagakatapos niyang magpaalam umalis kaagad siya.
Pagpasok ko.
"kapatid mo yun?" biglang nagtanong si Pamela Aquino. Kaibigan ko na din siya, siya yung katabi ni EJ sa right side.
"ah, hindi, pinsan ko."
"alam mo magkamukha kayo, ang cute!" sabi ni Pamela.
Yan talaga ang sinasabi nila, kahit sina Mama at Tita, magkamukha daw kami ni Rhian. Teka, ano yung huling sinabi ni Pamela? Ang cute? Weeh, siguro si Rhian cute, pero ako, waaaaaaah! Umulan, bumagyo, gumuho man ang building na 'to, hinding hindi yan magkakatotoo.
Oo, sa totoo lang, para sa akin, hindi talaga ako maganda o cute, tuwing tumitingin ako sa salamin, ewan ko ba hindi ko talaga nakikita ang mga sinasabi nila, iniisip ko nga baka sira ang mga mata nila o sira ang salamin namin. Wala talaga akong self-confidence.
"haha, talaga? Yan din ang sinasabi ng iba, pero cute yung pinsan ko." Sabi ko sa kanya.
"cute ka din kaya. Alam mo para kang si Kim So Eun." Sabi niya ulit.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain