Chapter 14

7 1 1
                                    

***

Aya's POV

Maaga akong nagising ngayon. Sabi kasi nina Tita Iza na sasabay nalang daw kami ni Rhian sa kanila papuntang school. Tatanggi sana ako dahil nahihiya ako kaso opportunity yun eh, kailangang tanggapin. Libre pamasahe eh.

"Oh, Aya, dalian mo nang kumain jan... Nandito na si Rhian." Sigaw ni Mama mula sa sala.

"Opo..." Sagot ko naman. At tinapos ko kaagad ang kinain ko.

Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon. Kahit itanggi ni Ivan... I know na may gusto siya kay Maureen. Hihihihi..

Natapos na akong mag-toothbrush at mag-ayos kaya lumabas na kami ni Rhian. Buti naman at hindi pa late...

Pagkalabas namin sa gate... Napansin kong kakalabas lang din ng kotse nina Ivan. Nakita kong bumukas ang likurang pinto ng kotse at iniluwa nito si Ivan.

"Tara na!" Tawag niya sa amin.

"Sasabay na naman tayo sa kanila, Ate?" Tanong ni Rhian... At dahil nasa tapat pa kami ng gate, sigurado akong hindi kami naririnig nina Ivan.

"Oo, sabi sa akin ni Tita Iza kagabi na sasabay nalang daw tayo sa kanila, tital iisa lang naman ang direksyon natin." Sabi ko sa kanya.

"Ayos! Libre na naman... Hahaha..." Sigaw ni Rhian. Kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Baliw talaga tong pinsan ko.

Hoy! Aya, pati ba naman si Rhian ginawa mong baliw? Ikaw lang ang baliw Aya... Ikaw lang!

Oo, baliw... Baliw na baliw kay Harry..  Hihihihihi...

Agad naming tinungo ang kotse nina Ivan habang tinatakpan ko pa rin ang bibig ni Rhian..

"Oh, anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Ivan.

"Asdfghjjkkll...." Rhian.

"Huh?" Sabi ko.

Tinuro kaagad ni Rhian ang kamay ko na nakatakip pa rin sa bibig niya. Kaya agad kong binitawan ito.

"Sorry... Nakalimutan ko." Sabay kamot sa ulo ko.

"Grabe ka Ate..."

"Eh kasi naman..." Hindi ko nalang itinuloy ang sasabihin ko at baka madulas pa ako at masabi ko ang sinabi ni Rhian.

Pumasok na kami sa kotse.

"Mukhang nagkakatuwaan yata kayo jan ha..." Sabi ni Tito Robert.

"Good morning po, Tito Robert, Tita Iza." Sabay naming bati ni Rhian.

"Good morning din sa inyo." Bati din nila.

"Buti naman at maaga na tayo ngayon." Sabi ni Ivan.

"Oo nga... Makakaabot tayo ng flag ceremony." Sabi ko.

"First time ko ngayon." Sabi ni Ivan.

"Bakit Ate? Hindi ba kayo nakapag-flag ceremony ni Kuya Ivan kahapon?" tanong naman ni Rhian.

"Hindi eh... Dumiretso kasi kami sa office kahapon kaya ayun, hindi na kami nakasabay." Sabi ko.

"Ahhh... Ganun ba..."

Wala pang 20 minutes, nakarating na kami sa school.

"Salamat po, Tita, Tito..." Sabi ko.

Nagpasalamat din si Rhian at sabay na kaming tatlong pumasok sa gate.

Dumiretso na si Rhian sa classroom nila at kami naman sa room namin. Ilalagay pa kasi amin ang bag namin sa room, mabigat kaya tapos matagal pang matapos ang flag ceremony... Hindi mo ma-eenjoy ang exercise kung may dala-dala kang bag.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon