***
Aya's POV
Grabe... Hindi talaga ako makapaniwala na magkakilala pala ang mga Mama namin.
Akalain mo... Mas tumaas na ang chance ko na magustuhan ako ng mga parents ni Harry. Agad ko nakasundo si Mommy... ay este si Tita Hannah.
Doon ko nalaman kung bakit choosy si Tita Sheryll pagdating sa brownies, dahil nang matikman niya ang brownies na ginawa ni Mama noong college pa sila lagi na niya itong hinahanap.
Ang galing diba...
Ito na siguro yung tinatawag nilang... DESTINY?Hahaha... Destiny kami.
Hoy, Aya! Wag ka ngang umasa jan. Masasaktan ka lang.
Take note...
MASASAKTAN KA LANG!
Grabe siya oh... Galit lang nega Aya? Easy lang...
Okay, back to reality.
Nakauwi na kami ni Mama at Maureen. Grabe nabusog talaga ako sa dami nilang handa. Nakakain naman ako nang maayos kahit katabi ko si Harry pero dahan-dahan lang akong sumusubo baka kasi ano pa ang maisip niya. Hihihi
"Akalain mo yun, kung hindi dahil sa pagdala mo ng brownies kina Hannah, hindi ko sila makikita ulit." Masayang sabi ni Mama.
Tinulungan ko pa kasi siyang maghanda ng mga ingredients para sa brownies ni Tita Sheryll.
"Oo nga, Mama. Kilala niya pala si Kuya Andy, eh, bakit ako, hindi niya kilala?" Tanong ko.
"3 years old pa ang Kuya mo nun... Umalis sila papuntang Australia. Hindi na kami nagkaroon pa ng communication, mahirap kasing magpadala ng sulat... Gagastos ka pa."
"Kung sa bagay... Wala pang cellphone noon."
"O sige na... Matulog ka na. Ako na ang bhala dito."
"Sige po, Mama. Good night."
"Good night."
***
Harry's POV
Pagdating ko sa dining area... Hindi ko inakala na sina Andrada at Suarez pala ng bisita namin.
"Oh, Harry mabuti naman at nandito ka na." Sabi ni Mommy.
Napansin ko namang may iba pang bisita. She looks familiar.
Humanap ako ng bakanteng upuan. At nakita ko doon sa tabi ni Andrada.
Bati ba naman dito, magkatabi kami? Bahala na nga.
"Harry, si Tita Andrea mo pala. Best friend namin ni Sheryll before and until now." Pakilala ni Mommy sa babae.
Best friend pala siya nina Mommy. Kaya siguro familiar.
"Hi, Harry, so magkaklase pala kayo ng anak ko. Mabuti naman..." Sabi ni Tita Andrea.
Huh? Sinong anak???
"Sino po?"
"Hindi mo pala alam, Harry? Si Aya..." Masayang sabi ni Mommy.
Si Aya??
Tiningnan ko silang dalawa... Palipat-lipat.
Talaga?
Kaya siguro familiar ang mukha niya. Mama pala siya ni Andrada.
"Ah, ganun ba?" Sabi ko sabay tango.
Wala naman akong ibang sasabihin eh.Nang kumpleto na kami... Nagsimula na kaming kumain.
Grabe, akala ko si Aya lang ang baliw. Pati rin pala ang Mama niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain