Chapter 8

6 2 0
                                    

***

EJ's POV

Nakakamiss din palang walang baliw sa room... absent kasi si Aya. siguro hindi pa siya magaling.

First time kong makita si Aya kahapon na napakatamlay... walang baliw.

Naging kaibigan ko na rin si Aya, kahit sinusupladahan niya ako hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na pansinin siya. Mukha naman kasi siyang mabait, may pagkabaliw lang.

Tiningnan ko ang upuan sa tabi ko kung saan nakaupo si Aya. Minsan kasi mahuhuli ko siyang ngumingiti na parang baliw. Minsan naman umaandar yung katopakan, ako ang mapagtripan... minsan nag-iinis siya minsan naman sinusupladahan. Kakaiba talaga siya sa ibang babae, isang ngiti ko lang parang mabaliw na ang iba pero kapag ginagawa ko yun kay Aya, hampas ang makukuha ko.

Naalala ko nga kahapon ang nangyari kay Aya... grabe ang pag-aalala ko nang makita ko siyang nakahandusay sa sahig... Kung nauna pa ako kay Harry na dumating, siguro ako na ang nagbuhat kay Aya papuntang clinic, kaso hindi eh, si Harry ang nagbuhat sa kanya.

Nagtataka nga ako kung bakit sinabi ni Harry na wag sabihin kay Aya na siya ang nagbuhat sa kanya papuntang clinic. Pero okay na rin, ako naman ang ginamit niya. At baka ito na rin ang chance na makausap na ako ni Aya ng matino.

--

Himala! Ang aga yata ni Aya'ng pumasok. Palagi kasi yan late. At mukhang okay na siya...

Pagkatapos ng flag ceremony bumalik na kami sa room.

Nauna na akong umupo dahil kaming mga boys ang unang pumasok sa room.

Nakita ko namang paparating na si Aya...

"magaling ka na pala." Sabi ko sa kanya.

Bigla naman siyang sumimangot... ayun nagsimula na naman siyang magsuplada... pero inaamin ko namiss ko yun.

"oo..." tipid niyang sagot

"tssss... magaling ka na nga." Napasmirk nalang ako. Hello? Hindi ba siya sinabihan ni Maureen na ako ang nagbuhat sa kanya? Ay, oo nga pala.. fake lang pala yun. Teka, baka sinabi ni Maureen ang totoo na si Harry ang nagbuhat sa kanya? Naku!

"thank you nga pala..." nagulat ako nang bigla siyang nagsalita... totoo ba yung narinig ko? Thank you?

"para san?" kunwari hindi ko alam.

"sa pagtulong mo sa akin nung nawalan ako ng malay..."

Naku naman! Nakakakonsensiya din pala... anong sasabihin ko? Isip EJ!

"aaahhh, y-yun ba? Wala yun..." nauutal ko pang sabi. Tsss...

"don't worry, babawi ako." Sabi naman niya.. babawi? Ano naman?

Mapagtripan nga...

"ano naman? Don't tell me na may crush ka na sa akin." Hahaha.. feeler na kung feeler. Parang bumait na kasi siya sa akin, gusto ko naman na inaaway niya ako.

At effective naman, umiba kasi ang expression niya at mukhang naiinis na.

"huh? CRUSH you face... feeling mo din no?" hahaha.. SEE?

"sa gwapo kong ito, hindi imposible na magkagusto ka sa akin.." sabay smirk ko.

"ikaw? Gwapo? Saan banda? Ba't di ko makita?" habang tinitingnan niya ako from head to toe.

"tumalikod ka nga at bakamahanap ko yung sinasabi mong gwapo." Yan si Aya, hindi magpapatalo... baliw nga!

"baliw! Baliw ka talaga Aya. ewan ko sa'yo, ikaw lang talaga ang makakatalo sa akin." Hahahaha...

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon