Chapter 12

5 1 2
                                    

***

Aya's POV

"Good afternoon, Ma'am..." Sabay naming bati sa Librarian.

"Oh, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting sabi ng Librarian.

"Hmm.. Ma'am gusto lang po sana namin kayong makausap." Panimula ko.

"Para saan ba yan, ija?"

"Ako po si Aya, at ang kasama ko po ay sina Maureen at Sharlyn."

"Hi, po." Bati naman nilang dalawa.

"Hm, gusto ko lang pong malaman kung anong ginagawa ng isang Librarian tulad mo." Sabi ko.

"Simple lang naman ija... Unang-una, dapat mapanatiling tahimik ang Library." Panimula niya.

"Paano kung may manghihiram ng libro?" Tanong ko.

"Tungkol naman jan... Kailangan mong i-record ang mga librong hihiramin ng estudyante. Kung anong araw at oras nila ito hiniram at kung kailan nila ito isinauli, at ang importante... Kailangan mong i-record ang pangalan nila t section at dapat may pirma sila bilang patunay. Bibigyan ko din sila ng library card para may record din sila... May takdang panahon kung kailan dapat isauli ang librong hiniram. At dapat hindi ito lalagpas ng tatlong araw."

"Paano po kung hindi maisauli ang libro?" Tanong ko.

"Hahanapin namin ang taong humiram nito. At itatanong kung anong nangyari sa libro at bakit hindi ito naisauli. Kung nawala niya, kailangan niya itong bayaran."

"Ahhhhh...." Hehehe.. Wala na kasi akong maisip na ibang tanong eh.. Maliit lang naman ang library sa room namin kung ikumpara dito... Kung makatanong ako sa Librarian parang isang building ng Library ang babantayan ko.

"Para saan ba ito, at bakit niyo naitanong?" Tanong ng Librarian.

"Eh, hehe... Ako po kasi ang inassign ng guro namin na maging librarian sa mini library namin sa room." Sabay kamot sa ulo ko...

Natawa naman siya sa sagot ko. "Ahh, yun lang naman pala eh... Akala ko kung saan... Madali lang yan ija... Irecord mo lang ang pangalan, ang libro at oras kung kailan niya hiniram at isinauli yung libro."

"Oo, nga po eh... Salamat po."

Pagkatapos nun, lumabas kaagad kami sa Library.. Para tuloy akong tanga sa loob.

Si Maureen naman at Sharlyn, tawa ng tawa paglabas namin... Eh, kasi naman... Sineryoso ko daw ang pagiging Librarian ko.

Aist.. Pinagkaisahan talaga nila ako.

Eh, ikaw naman kasi Aya eh... May papunta-punta sa Library ka pang nalalaman eh, madali lang naman ang pinapagawa sa yo... You're stressing yourself Aya.. You're already ugly, don't make it worse.

Oo nga naman, may point ka Nega Aya.

Natawa tuloy ako sa pinanggagawa ko.

Natauhan ako bigla nang binatukan ako ni Maureen.

"Ayan na naman ang mga baliw mong ngiti Aya..." Sabi niya.

"Ikaw talaga... Napakasadista mo..." Sabay himas sa batok ko.

"Are you okay?" Oo nga pala, kasama pa pala namin si Sharlyn.

Sa akin pa naman pinaubaya ni Harry ang pinsan niya...

Anong pinaubaya? Feeling ko din no? Kusang sumama si Sharlyn...

"Hehe.. I'm okay. Don't worry. Hmm. Let's go?" Yaya ko sa kanila.

Nang makalabas na kami ng school, tinanong ko muna si Sharlyn.

"Okay lang ba sayo na sumakay ng jeep? Kulang kasi ang pamasahe ko kung sasakay tayo ng taxi." Dapat maging honest wag feeling mayaman.. Kung sasama siya mas okay.. Kung ayaw, wag pilitin.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon