Chapter 17

12 1 0
                                    

***

Aya's POV

Maagang natapos ang klase kaya maagang kong naipa-check ang record book kay Ma'am.

Paglabas ko sa classroom, nakita kong naghihintay sina Maureen at Sharlyn.

"Ba't nandito pa kayo?" Tanong ko.

"Hinihintay ka namin, obvious ba?" Sagot naman ni Maureen.

Si Maureen talaga...

"Di ba I told you kanina na gusto kayong i-meet ng parents ko. So, sabay na tayo." Sabi naman ni Sharlyn.

Ah, yun pala ang sinasabi ni Sharlyn kanina...

"Pero kailangan ko pang umuwi, nakakahiya ang hitsura namin." Sabi ko naman.

"Okay, samahan ko nalang kayo. Para saay na tayo sa bahay nina Harry." Sagot ni Sharlyn.

"Bahala ka... Okay lang ba sa parents mo?" Tanong ko. Baka kasi magalit ang parents niya dahil late na siya uuwi. Baka madamay pa kami at isipin nilang bad influence kami kay Sharlyn. Naku!!!! Hindi maaari, minus points yun para sa Tito at Tita ni Harry.

"Yes, and it's so early pa kaya... Hello, it's 3:30 p.m. pa, 4:30 tayo lumalabas diba." Paalala sa akin ni Sharlyn.

Tiningnan ko kaagad ang relo ko. Ay! Oo nga pala. Kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

Tanga mo Aya...

"Tara na! Para makapagbihis na tayo." Sabi naman ni Maureen.

Hehehe, nandito pa pala si Maureen, tahimik kasi eh. Himala....

-

Nakauwi na ako sa bahay, si Maureen din sa kanila. Magkikita nalang daw kami sa kanto.

"Maghintay ka muna dito ha... Magbibihis muna ako." Sabi ko kay Sharlyn haang pinapaupo ko siya sa sofa.

Oo, sumama sa bahay si Sharlyn. First time niya dito sa bahay kaya nililibot niya ang mga mata niya sa paligid nito.

Lumabas naman galing sa kusina si Mama.

"Oh, anak, may bisita ka pala." Sabi ni Mama.

"Ah, Ma, classmate ko po, si Sharlyn." Tumayo kaagad si Sharlyn at sinalubong niya si Mama ng yakap.

"Oh, ang sweet naman ng classmate mo. Nice to meet you Sharlyn."

"Hello po, Tita..."

"Tita Andrea, ija."

"Hello po, Tita Andrea. Ang ganda niyo po, nagmana po sa inyo si Aya."

Huwaw! Jowk ba yun Sharlyn... Oo, maganda si Mama.. Pero AKO? NO WAY!!!!

"Naku, ikaw talaga ija, hindi naman siguro. Teka, nag mag merienda muna kayo, naghanda ako ng brownies, pinalamig ko muna. Teka... Kukunin ko muna."

Tinungo ni Mama ang kusina at pinaupo ko ulit si Sharlyn.

Umakyat muna ako sa kwarto ko upang magbihis.

Simple lang ang sinuot ko, T-shirt na black na may glitters design at blue jeans. Pagkatapos kong magbihis, bumaba kaagad ako.

"Aalis pala kayo?" Sabi ni Mama. Nasa sala sila ngayon at kumakain ng brownies si Sharlyn.

"Opo, Mama. In-invite kasi kami ni Maureen sa bahay nina Sharlyn. Gusto daw ma-meet ng parents niya ang mga friends niya dito." Paliwanag ko.

"Ah, ganun ba? Sige, mag-iingat kayo."

"Ang sarap po ng brownies ninyo, Tita."

"Talaga? Aya, magdala ka ng brownies sa kanila, para may dala ka naman... May isang box doon nilagay ko sa ref." Sabi ni Mama.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon