***
Aya's POV
Hindi talaga ako makapaniwala na sa iisang subdivision lang pala kami nakatira ni Harry. Nararamdaman ko pa rin ang kamay niya na nakahawak sa akin. Hindi ko talaga 'to huhugasan forever... hoy! Aya, anong iniisip mo jan? ayan na naman si epal nega Aya. anong forever, walang forever ui! Magkakasakit ka niyan. Ano ba 'to? Panira ka talaga ng moment kahit kailan. Sige hindi nalang forever... pwede kahit ngayong araw lang? please!
Well, nandito na pala ako sa kwarto, dito na kumain ng lunch si Maureen, niyaya kasi siya ni Mama. Pagkatapos niyang kumain, umuwi na siya kaagad, baka kasi hinahanap na siya ng Mama niya.
Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama at dedaydream kay Harry. Ba't kasi ang gwapo mo?
"Aya! aalis na muna ako, bantayan mo ang bahay ha?" eto talaga si mama, panira ng moment, bigla-bigla nalang pumasok sa kwarto. At ipapabantay pa ako sa bahay? Bakit aalis ba ang bahay? Whaaaah! Corny mo Aya. tumayo ka na nga jan!
Bumangon naman ako...
"sige po, mama..." at lumabas na si mama.
--
Kinaumagahan, 11 a.m. na akong nagising... umaga pa ba ito?
"ma... good morning!" batik o.
"ang tagal mo yatang nagising? Kumain na ako ng breakfast, nakahanda pa rin ang pagkain doon kaya kumain kana."
Sinong hindi tatagal magising kung 2a.m. ka nang natulog? Si Harry kasi...
Haaay! Aya, dinamay mo pa ang inosente.
"yes, ma! Hmm, may lakad ka ba ngayon?"
"oo, mag go-grocery ako at may ipo-process akong papeles."
"hmm, ma, pwede bang ako nalang ang mag go-grocery?"
"hmm, ano naman ang nakain mo at nag-volunteer ka ngayon?"
Hehehhe, gusto ko kasing lumabas, nagbabakasakali lang na makita ko ulit si Harry dito.
"hmm, wala lang ma, diba ang sabi mo may aasikasuhin ka pang papeles at baka matagalan ka niyan kaya ako nalang ang mag-grocery." Lumapit naman si Mama sa akin at nilagay niya ang kamay niya sa noo at leeg ko.
"may lagnat ka ba, anak? Anong nakain mo?"
"hahaha, wala mama, may bibilhin lang din kasi ako." Palusot pa more Aya!
"o sige, mapilit ka, eh..."
"thank you mama." At niyakap ko siya ng mahigpit.
Kumain agad ako ng breakfast at bumalik ako kaagad sa kwarto upang maligo at magbihis.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba kaagad ako.
"oh, ito ang listahan ng bibilhin mo. At ito ang pera, mag-taxi ka nalang." Sabay abot ni mama sa listahan at pera.
"opo, mama. Alis na po ako."
--
Nang makalabas na ako ng bahay, naglakad na ako. Tiningnan ko ang bawat kanto na nadadaanan ko dahil nagbabakasakali akong makita si Harry.
Saan kaya yun nakatira?
Nakarating na ako sa gate kaya pumara nalang ako ng taxi. Sayang, hindi ko siya nakita...
"sa Mall po tayo, manong."
Pagdating ko sa Mall, dumiretso kaagad ako sa grocery store... tiningnan ko ang listahan na pinapabili ni Mama. Ang dami pala nito. Kaya kumuha nalang ako ng cart.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain