Chapter 3

26 2 0
                                    

***

Aya's POV

Ngayon na naming makikilala ang bago naming teacher.

Well, as usual, late na naman ako, isa na ako sa 2nd batch na nag flag ceremony, late na ako sa first subject, sana may classmate akong kasama.

Tinungo ko ang linya ng mga Grade 6, at nakita ko ang dalawa kong classmate. Haaay! Salamat naman at may kasama akong late. Hihihi. Sina Ronel at Cecille. Hindi ko siya masyadong close, pero kilala ko na si Cecille simula nung Grade 4, siya kasi yung katabi ko nung nag sit-in kami sa kanilang section, classmate ko din siya sa MTAP nung Grade 3 kaya magkakilala na kami.

Pagkatapos ng flag ceremony, dumiretso na kami sa classroom, malayo ang classroom naming simula nung lumipat kami, nakakapagod nang maglakad.

Pagpasok naming sa classroom, nakahinga ako ng maluwag, eh kasi naman, wala pa yung teacher naming. Hahahaha, kaya pala ang gulo-gulo ng classroom.

"hi Aya!" Bati ni Maureen, malayo ang upuan niya sa upuan ko, kasi malapit siya sa pintuan sa harapan, early bird kasi tong si Maureen.

"hi! Maureen, namiss kita sobra." Sabi ko sa kanya.

"hahaha, ikaw talaga Aya napakajoker mo, palagi kaya tayong sabay maglunch!" ah, hehehe oo nga pala. Pero kahit na.

"sabay tayo mamaya ah." Yaya ko sa kanya.

"okay." Nagpaalam na muna ako kay Maureen at pumunta na ako sa upuan ko. Pagdaan ko sa row nina Harry, nakita ko kaagad siya, nakayuko lang siya, parang natutulog lang. grabe ano pala ang ginagawa nito tuwing gabi, palagi ko na lang siyang naabutang tulog. Parang hindi siya interesadong mag-aral.

Umupo na ako, at maya-maya may dumating na isang hindi familiar na guro. Siya kaya yung bagong adviser namin? Medyo matanda na siya at mukhang mabait naman, nakangiti siya pagpasok niya sa classroom naming. Bigla naming natahimik ang lahat anng makita nila yung guro.

"hello, section Amethyst... ako pala ang inyong bagong guro, ako si Mrs. Rosalinda delos Reyes. Isa akong Filipino teacher, ako na rin ang inyong Filipino teacher, siguro alam niyo na yun."

Tumayo naman kami kaagad sabay bati sa kanya, "Good Morning Mrs. Delos Reyes."

"good morning din sa inyo class," ngumiti siya, mahinahon din ang boses niya. "hindi ko pa kayo kilala, ang gusto kong gawin niyo ngayon ay kumuha ng 1/8 sheet of paper, at isulat niyo ang inyong buong pangalan."

Kumuha kami kaagad ng 1/8, at isinulat naming ang buong pangalan at pagkatapos ipinasa naming iyon sa harapan. Nang matanggap na ni Mrs. Delos Reyes ang mga papel, inisa isa niya kaming tinawag, yung parang attendance lang, pero imbes itaas ang kamay, tatayo kami upang makita niya kami.

Wala kaming masyadong ginawa sa umaga, nakikipag-usap lang si Mrs. Delos Reyes sa amin, hiniram niya yung oras ng iba naming subject teacher upang makilala niya kami ng husto.

"bukas class, gusto kong gumawa kayo ng name tag, isulat niyo una ang apilyedo niyo at pagkatapos yung first name niyo, lakihan niyo ha upang makita ko, lalo na kayong nakaupo sa malayo."

"yes, ma'am!"

Nang mag-ring na ang bell for lunch lumabas na si Mrs. Delos Reyes.

Pinuntahan ko naman si Maureen, "saan ka mag lulunch?"

"dito nalang tayo mag-lunch." Sabi niya.

"bakit naman?"

"absent kasi si Mary, malayo na rin ang cafeteria, kaya dito nalang tayo kakain." Yaya niya sa akin.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon