***
Harry's POV
Maagang pumunta si Ronel sa bahay namin.
"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"nagtext kasi si EJ, punta daw tayo sa park..." sabi niya.
"at bakit naman?"
"ewan ko, nagyayayang mag bike."
"ah?" tipid kong sagot. Nakakatamad naman kasi.
"grabe ka talaga, pati ba naman sa akin matipid ka ring sumagot. Tara na! naghihintay na si EJ dun."
Sige na nga, boring din naman dito sa bahay, wala si Mommy at Daddy at ang mga kasambahay lang namin ang kasama ko dito sa bahay.
"sige, magbibihis na muna ako." Umakyat ulit ako papuntang kwarto upang magbihis.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba kaagad ako at kinuha ko ang bike sa garahe.
"tara na..."
Nag bike na kami papuntang park.
"hi, guys!" salubong ni EJ sa amin.
"anong nakain mo at nagyaya kang magbike?" tanong nin Ronel.
"kita mo yun?" sabay turo doon sa playground.
Tiningnan naman namin at teka? Sina Andrada ba yun at si Suarez bumibili ng ice cream? Bakit nandito sila sa subivision?
"teka, sina Anrada yan at si Suarez diba?" tanong ni Ronel.
"oo, kaya nga niyaya ko kaya. Eh, kasi nakita ko sila kanina na nagbibike... gusto ko sanang inisin si Aya." napasmirk naman siya sa sinabi niya. Parang may masamang binabalak itong EJ ah.
'the more you hate the more you love' biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Ronel kahapon sa canteen.
Totoo ba talaga yun?
Sana hindi...
"tsss, bahala nga kayo sa buhay niyo. Madamay pa ako sa mga kalokohan mo." Umalis naman ako sakay ang bike at iniwan sila. Wala naman akong planong umuwi, maglilibot nalang ako dito sa park.
"teka, Harry! Baka maki-" pigil sana ni EJ kaso hindi ko na siya marinig dahil unti-unti na akong lumalayo sa kanila.
Hindi ko namalayang malapit na pala ako sa kinaroroonan nina Andrada at Suarez. At parang napansin nila ako...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain