Chapter 7

10 2 0
                                    

***

Aya's POV

Hindi ako nakapasok ngayon dahil nilalagnat pa rin ako. Nalaman na ni Mama ang nagyari kaya pinaabsent nalang niya ako at baka maulit pa ang nangyari kahapon.

"kumain ka na, Aya." pumasok si Mama sa kwarto ko na may dala-dalang tray ng pagkain.

"wala po akong gana mama, wala akong panlasa..." reklamo ko.

"dapat kang kumain, iinom ka pa ng gamot..." sabi ni Mama.

"pero mama..."

"walang pero pero Aya, gusto mo bang pumunta sa ospital?"

OSPITAL? No way!

"hindi po, sige na nga po..." napilitan ako si Mama kasi eh. Inilapag na niya ang tray sa kama ko at lumabas na siya...

"pagkatapos mong kumain, inumin mo ang gamot." Bilin ni mama bago lumabas.

"opo, mama.."

Kahit wala akong panlasa, pinilit kong ubusin ang pagkain... kainis kasi yang ospital eh... tumatayo ang mga balahibo ko kapag naririnig ko yun.

Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot humiga ulit ako.

"haaay! Kainis ka talaga lagnat... bakit pa kasi dumating ka? Hindi ko tuloy makikita si Harry... haaay! Dapat bukas magaling na ako..."

Pinikit ko na ulit ang mga mata ko at natulog...

***

Maureen's POV

Absent ngayon si Aya, nakakamiss... akalain mo mamimiss ko yung baliw? Kumusta na kaya siya?

Sumabay akong kumain kina Pamela at umupo ako sa upuan ni Aya.

"kumusta si Andrada?" tanong ni Pamela.

"okay naman siya kahapon, siguro bumalik yung lagnat niya kaya absent siya ngayon. Bibisitahin ko siya mamaya pagkatapos ng klase."

"talaga? Pwedeng sumama?"

"okay..."

--

Pagkatapos ng klase, sabay kami ni Mary, Rhian at Pamela na bumisita kay Aya.

*doorbells...*

Binuksan ng Mama niya ang gate..

"oh, Rhian, Maureen..."

"hello po... bibisitahin po sana namin si Aya..." sabi ko.

"pumasok kayo. Mga classmate ba kayo ni Aya?"

"opo, si Pamela lang po, si Mary kapatid ko."

"sige, pumasok muna ako at tatawagin ko muna si Aya sa kwarto niya." Umakyat ang Mama ni Aya para tawagin siya.

"ang laki pala ng bahay ni Aya..." bulong ni Pamela sa akin.

"sabi kasi ni Aya, nasa abroad ang papa niya nagtatrabaho..."

"ah, ganun ba? So silang dalawa lang ng mama niya? May kapatid ba siya?" grabe ang daming tanong ni Pamela...

"oo, silang dalawa lang... may Kuya daw siya, pero hindi dito nakatira, sinamahan niya daw ang papa niya abroad."

"ah, so may kuya pala siya..."



Hmmm, I smell something fishy dito kay Pamela.



Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon