***
Aya's POV
"Salamat Aya... Pwede ka nang maupo." Sabi ni Ma'am.
Napansin ko naman si Maureen na nakatitig pala kay Ivan. Ooooy!!!! I see something in her eyes.. It's twinkling and sparkling.
Hahaha...
"Baka matunaw yan..." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Hindi ah..." Wag ka nang mag deny Maureen, kilala na kita.
Lumapit ako sa kanya, "ipapakilala kita sa kanya mamaya..." Bulong ko sa kanya.
"Baliw ka talaga, Aya..." Namumula niyang sabi.
Kaya tumawa lang ako at dumiretso na sa pwesto ko.
Habang papunta ako sa upuan. Nahagip naman kaagad ng mga mata ko si Harry... Nakatingin pala siya sa akin. Nako-conscious tuloy ako... Kaya ibinaling ko nalang ang atensiyon ko kay Sharlyn na nakangiti na pala.
"Good morning, Aya!" Bati niya.
"Good morning." Bati ko rin.
"Good morning... Baliw!!!" Haissst!!! Panira ng moment oh... Idiniin pa ang baliw...
Sinamaan ko kaagad ng tingin si EJ na ang lapad ng ngiti...
Ayokong masira ang araw ko... Kaya kalma ka lang Aya.
Inirapan ko lang siya at umupo sa tabi niya.. No choice eh... Ba't pa kasi katabi ko tong hangin na 'to? Kontento na ko sa katabi kong bintana na mahangin din pero kay EJ. Bagyo na with tornado pa. Tsk.
"Listen, class... I know nagtataka kayo kung sino tong kasama ko ngayon. Okay, pwede ka nang magpakilala." Sabi ni Ma'am kay Ivan.
Napatingin naman sa direksyon ko si Ivan. Kaya nginitian ko siya at ngumiti din naman siya pabalik.
"Hoy, baliw... Kilala mo ba siya?" Sabi ni EJ.
Tiningnan ko siya ng masama...
"Nagiging habit mo na yang pagtawag mo sa akin na baliw huh.. Hangin?"
"Ikaw din naman eh... Hangin ang tawag mo sa akin."
"Eh, totoo naman eh... Mahangin ka naman talaga."
"Ayan na naman ang dalawa..... Nagsisimula na naman." Napahinto kami nang marinig namin si Pamela. Napansin ko ring tumatawa si Ronel. Nasa likod lang niya kasi si Pamela.
Aissstt... Tumahimik nalang ako. Baka tuksuhin pa kami nito.
"Kilala mo ba siya?" Tanong ulit ni EJ.
"Oo, bakit?"
"Sino siya? Ba't magkakilala kayo?"
"And so what? Bawal ba?"
"Tsss...." Ba't siya nainis? Nabaliw na din yata to ah..
Tumahimik na ulit si EJ... LUH! Anong nakain niya?
"Hello po... Ako pala si Ivan Cruz." Nagpakilala na pala si Ivan.
"Okay... Nice to meet you Ivan Cruz... You may now find your seat." Sabi ni Ma'am.
Kay Pamela nalang ang vacant... Kaya sigurado akong kay Pamela siya tatabi. Okay lang din yun atleast malapit lang din siya sa akin.
Nakita naman niya yung vacant seat sa tabi ni Pamela kaya umupo siya doon.
Napansin ko ding nakasunod pala aa kanya si Ma'am... Kaya nandito si Maam sa row namin.
"Wait lang, Ivan... Tumayo ka muna." Napatayo naman ulit si Ivan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain