***
Harry's POV
--flashback 2 weeks ago--
Ngayon ang audition para sa gymnastic competition. Sasali kaya siya? Ang alam ko kasali siya sa gymnastics noon pero hindi ko alam kung kasali pa ba siya ngayon.
"okay, class, walang klase mamayang hapon kasi may audition na gaganapin sa gym, open yun sa lahat, kung sino ang gustong manood, pwede kayong manood. Gawin niyo ang gusto niyong gawin, maglaro, magdrawing basta walang uuwi." Sabi ni Mrs. Delos Reyes, ang bagong adviser namin. Ang bait niya talaga sa amin, hindi siya terror tulad ng math teacher namin.
"maglaro nalang tayo sa labas." Yaya ni Ronel sa akin.
"ayoko." Tipid kong sagot.
"bakit? Manonood ka sa gym? May crush ka doon no?" sabi niya.
"wala noh? Hindi..." sagot ko sa kanya kaagad, "dito lang ako sa room matutulog..." dagdag ko.
"bahala ka, sige alis na ako." Umalis nga si Ronel kasama pa ng iba.
Yumuko nalang ako... narinig ko naman ang mga kaklase kong nag-uusap sa malapit sa likuran ko, familiar ang mga boses nila. Pero hindi ko malaman kung sino sila...
"pupunta ka ba sa gym?" sabi ng kaklase ko.
"bakit?" tanong ng isa.
"gusto ko kasing manood." Sabi naman nung una.
"sige, pero baka makita ako ni Mrs. Romero." Sagot naman nung pangalawa.
"eh, sabihin mo sa kanya." Sabi naman nung una.
"sige, tara!" sagot ng pangalawa...
Makaraan ng ilang minuto, nakatulog pala ako, paggising ko konti nalang ang mga estudyante sa loob. Tumayo ako at lumabas, narinig ko na ang mga cheer at sigawan sa gym. Puntahan ko kaya? Baka makita nila ako, ah bahala na, magtatago nalang ako. Oh, uupo nalang ako sa pinakamataas na parte ng bleacher.
Pumasok ako sa gym, maraming estudyante, pati mga lower grades nandito, marami ring mga lalaki, mabuti naman akala ko ako lang lalaki ang papasok. Hindi na ako mapapansin.
Umakyat ako sa pinakataas at tinungo ko ang pinakadulo malapit sa aircon, hindi na ako mapapansin dito.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong gym, nasaan na kaya siya? Maya-maya, nakita ko siya malapit sa mga nag a-audition, mukhang sasali siya. Gustong gusto ko talaga siyang makita na mag perform...
Maya-maya, sinabi ni Mrs. Romero na ilang minuto nalang at mag s-start na ang audition.
nakatingin ako malapit sa direksiyon niya, teka? Nakita niya ba ako? Kinabahan ako dun ah, lumingon kasi siya sa direksiyon ko.
--
Nagsimula na ang audition, marami pala sila... matagal-tagal din siguro ito.
Ilang estudyante na ang nag perform, naiinip na din ako. Tumayo na lang ako at umalis na sa gym. Baka makita pa ako ng ibang kaklase ko dito, sinabihan ko pa naman si Ronel na sa room lang ako.
Umalis ma ako sa gym at bumalik na sa room, sinalubong naman ako ni Ronel.
"san ka galing?" tanong niya.
"nag CR lang ako." Excuse ko
"eh, ba't ang tagal? Kanina pa kami dito, sabi kasi ni Ma'am na pwede na daw tayong umuwi, malapit na ring mag alas kwatro." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain