Chapter 6

14 2 0
                                    

***

Aya's POV

Masama ang pakiramdam ko ngayon, dahil siguro ito kahapon, umuwi kami ni Maureen na basang-basa dahil sa ulan.

Kailangan kong pumasok, pero pinigilan ako ni Mama dahil baka lumala ang lagnat ko. Pero sinabihan ko si Mama na okay na ako, may exam kasi kami ngayon, hindi dapat mag-absent kasi malaki ang points na makukuha ko.

"basta anak, pagdating mo sa school, dumiretso ka sa clinic at humingi ka dun ng gamot." Bilin ni mama sa akin. Wala si Rhian, kaya maaga akong nakarating sa school.

Tulad ng bilin ni Mama, pagdating ko sa school dumiretso kaagad ako sa clinic upang humingi ng gamot, kaso sabi ng school nurse na out of stock ang gamot, nagpapabili pa sila ngayon, kaya pumunta nalang ako ng room.

Wala akong gana, pero kailangan talaga eh, pagpasok ko nakita ko kaagad si Harry sa dulo. Kahit may sakit ako, malinaw pa rin ang mga mata ko pagdating sa kanya. Hihihi...

"okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong ni Maureen, nahalata siguro niya na nanghihina ako.

"okay, lang ako, sinat lang ito. Dadaan lang ako sa clinic mamaya." Sabi ko sa kanya.

"dapat umabsent ka na lang. mukhang hindi ka okay eh." Nag-aalalang sabi ni Maureen.

"okay lang ako, sige pupunta na ako sa upuan ko." Paalam ko sa kanya at dumiretso na ako sa upuan ko.

--

Natapos na ang 2 exam naming, recess time na... sumasakit na ang ulo ko. Kaya yumuko nalang muna ako, wala kasi akong ganang lumabas, hindi maganda ang pakiramdam ko. Lumapit si Maureen upang kumustahin ako at binilhan niya ako ng pagkain. Dumaan din daw siya sa clinic kaso wala pa rin ang gamot, kaya binilhan niya lang muna ako ng isang boteng tubig.

After 20 minutes, dumating na naman ang pangatlong subject teacher naming, nag-exam na naman kami. pinipilit kong intindihin ang lahat ng mga tanong sa exam, buti naman at nag-wowork parin ang utak ko kahit na masama ang pakiramdam ko.

Pagkatapos na naman ng dalawang exam.. lunch time na.

Hindi pa rin ako lumalabas, sinamahan ako ni Maureen na mag-lunch sa upuan ko. Konti lang ang kinain ko dahil nawalan ako ng gana.

"dapat kumain ka nang marami." Alalang sabi ni Maureen.

"wala kasi akong gana eh." Sabi ko.

"eh, pano ka lalakas niyan? May exam pa tayong mamayang hapon." Sabi ni Maureen. Kaya pinilit kong ubusin ang lunch ko. Tama si Maureen.



Natapos din kaming kumain, tumayo ako upang puntahan ang clinic, pagdating ko sa pintuan... nakasalubong ko si Harry at biglang dumilim ang paligid ko...



***

Maureen's POV

Nakasunod ako kay Aya, pupuntahan niya daw ang clinic.



*BOOOGSH*





Bumagsak bigla si Aya at nawalan ng malay...

***

Aya's POV

Nagising ako sa sa isang kama sa clinic... clinic? Anong ginagawa ko dito? Ano ba ang nangyari kanina?

"gising ka na pala..." sabi ni Maureen. Inabot niya ang gamot sabay sabi, "inumin mo na to..." ininom ko ang gamot.

"bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon