***
Harry's POV
Halos masira na ang buong kwarto ko sa kakahanap ng notebook ko. Napaka-importante nun sa akin. Naalala ko na napasok ko yun sa bag kanina bago kami umuwi.
Nasan na kaya yun?
Sana walang makabukas nun... Nilagyan ko pa yun ng 'Don't dare to touch or open...' para wala talagang makabukas.
Kainis naman to oh!!! Hindi na ako nakapag-dinner sa kakahanap ng notebook ko.
"Oh, have you seen it? Hindi ko makita sa bag at kwarto ko. Where did you put it ba?" Nakailang pasok na si Sharlyn dito sa kwarto ko para sabihin na hindi niya talaga nakita. Pati siya nadamay sa paghahanap.
Importante talaga kasi yung notebook sa akin.
"Hanapin mo ulit... Tingnan mo nga sa sala." Sabi ko sa kanya.
"Fine! But bakit mo yun hinahanap? It's just a notebook couz, you can buy again na looks like that and mag drawing ulit." Sabi ni Sharlyn.
Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi niya, "Yes, it's just a notebook for you Sharlyn! Pero para sa akin importante yun. Matagal na yun sa akin at hindi na mauulit ang mga drawing ko dun. It was easy for you to say that dahil hindi mo yun pag-aari. Try to be on my shoe and let's see how you will react."
Parang na-shock siya sa sinabi ko dahil bigla siyang natahimik.
"Fine. Sorry." Sabi niya sabay labas sa kwarto ko.
Sorry, hindi ko maiwasang mainis sa sinabi niya. Para lang kasing madaling tanggapin sa kanya ang nangyari. Oo, OA na ako pero napakahalaga nung notebook sa akin. Kahit si Ronel na best friend ko hindi pa nakikita yung dinodrawing ko. Yes, it's just a drawing like Sharlyn said... Pero ang drawing na yun ay connected sa babaeng gustong-gusto ko noon pa, kaya mahalaga yun sa akin. And I promised myself na ipapakita ko lang yun sa kanya kung magkakatuluyan kami. I know bata pa ako para isipin yun, pero matagal ko na kasi itong nararamdaman sa kanya.
—
Kinabukasan...
"You're late couz... Kanina pa kita ginigising. What time ka pala natulog? Umalis na sina Tita at Tito kasama sina Mommy at Daddy." Panenermon ni Sharlyn dito sa dining area. Kumakain na kasi siya ng almusal.
Hindi ko na siya sinagot... Wala pa kasi akong gana. Nakabihis na ako at kain nalang ang kulang para makapunta na kami sa school.
"Sorry... Because of what I said yesterday. I'm not using my mind. I'm so stupid. I'm sorry couz..." Dagdag niya. Napatingin naman ako sa kanya na kitang-kita sa mukha niya ang pagsisisi.
"I'm sorry din. Dahil sa mga sinabi ko. Nagpadala kasi ako sa emosyon ko. Hindi ko inisip ang naramdaman mo kagabi. Sorry din Sha." Tapos nginitian ko siya at inalok ang kamay ko.
Tinanggap naman niya ang kamay ko at ngumiti. Pagbitaw niya sa kamay ko ay agad siyang tumayo at niyakap ako.
Pagkatapos ng drama namin... Umalis na kami at pumunta sa school.
Habang nasa taxi, hindi ko maiwasang isipin ang nawawala kong notebook. Sana pagdating sa school makita ko kaagad yun. Sana walang nakapulot nun, at kung may nakapulot man... sana hindi niya yun mabuksan.
Pero paano kung ang nakapulot nun ay yung babaeng gustong-gusto ko? Yun ba ang tinatawag na tadhana? Pero hindi pa kasi ako handang magtapat sa kanya kasi MGA BATA PA KAMI. At hindi pa ito ang tamang panahon. Sana lang mahanap ko na ito kaagad.
"Are you okay? Nandito na tayo." Natauhan ako bigla nang magsalita si Sharlyn. Nandito na pala kami sa tapat ng school. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na kami sa taxi. Nagsimula na pala ang flag ceremony, sa second batch na kami makaka-attend.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (OnGoing)
Teen FictionPaano kaya kung mapapansin ka ng crush mo? Facebook Page: www.facebook.com/unexpectedlovebyarillain