Chapter 15

14 1 0
                                    

***

Aya's POV

LUNES NA!!! Grabe capslock yun huh?

Excited kasi ako dahil today ang first day ko being a librarian.

Maaga akong pumunta sa school... Well, as always, kasabay ko si Ivan at Rhian. Parang nasasanay na nga ako na may humahatid sa amin eh. Hahaha...

Pagkatapos nang flag ceremony, bumalik na kami sa room.

Napansin namin na puno na ng mga libro ang mini library namin.

"Andrada!" Tawag sa akin ni Ma'am Delos Reyes.

Kaya tumayo kaagad ako at pinuntahan si Ma'am.

"Dala mo ba yung record book?"

"Opo ma'am."

"Tulad ng sinabi ko sayo dati, every vacant time, break time, recess at lunch. Doon ka uupo sa mini library. Total, malapit lang din ang mini library sa pwesto mo kaya mas madali sayo na mabantayan ang library, okay? Ngayon ipinaubaya ko na sayo ang mini library."

"Salamat po Ma'am."

Pagkatapos nun, bumalik kaagad ako sa pwesto ko.

"So, ibig sabihin nun, hindi ka na makakalabas ng room?" Sabi ni EJ.

"Ano ako? Preso? Siyempre makakalabas pa rin ako no... Pero hindi ako makakalabas tuwing recess at lunch. Kaya hindi na ako makakasabay sa inyo." Sabi ko.

"Sayang..."

Ano daw?

"Huh?"

"Wala..."

"Okay......."

"Pwede kitang samahan..." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Ivan sa tabi ko.

Lumingon naman ako sa paligid at tiningnan kung sino ang kinakausap niya.

"Ikaw ang kausap ko, Aya."

"Ah, ako pala? Hehehehe. Anong sinasabi mo?"

"Sabi ko, pwede kitang samahan dito sa tuwing recess at lunch. Sinamahan mo din kasi ako noong hindi ko pa familiar ang school." Paliwanag niya.

Actually, okay na kaming dalawa ni Ivan. Hindi kami nag-away ha. Kundi dahil sa sinabi niya last week... Yung... Alam mo na yun.

Pagkatapos kasi nun, nailang ako bigla sa kanya. Siguro napansin niya yun dahil panay ang iwas ko sa kanya hindi na nga ako sumasabay sa kanya papuntang school. OA lang no? Pero nakakailang talaga kasi eh.

Siguro napansin niya ang pag-iwas ko kaya nung Sabado gumawa siya ng paraan na hindi ko na ulit yun maisip. Sinbi niya na joke lang yun. Naniwala man kaagad ako. Eh, joke lang kasi talaga yun!!!

Galit lang, Aya?

At sabi niya may iba siyang crush, sinabi nga niya sa akin ang pangalan eh... Hindi ko naman kilala. Sayang!!! Akala ko talaga si Maureen ang crush niya. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa... Hahahaha

Okay, back to reality...

"Naku! Wag na... Samahan mo nalang sila. Okay lang naman ako. Salamat sa offer." Sabi ko.

"Baliw ka talaga Aya... Sasamahan ka namin dito sa classroom." Bigla namang nagsalita ng katabi kong hangin.

"Kinakausap ba kita?" Pagtataray ko sa kanya.

"Grabe, ang aga-aga ha, ang taray-taray mo..." Sagot naman ni EJ.

Eh, kasi naman... May nangyari kahapon na hindi ko inasahan.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon