Chapter 4

20 2 0
                                    

***

Aya's POV

October na! ngayong month gaganapin ang contest at dito sa school gaganapin yun, hindi natanggap sina Janica at Camille, buti naman at baka matalo pa ang school namin. Sina Michelle, Gwen, Lily, Mandy at Cathy ang magiging representative. Nakasama ko sila noon sa training. Ang gagaling talaga nila.

At ayun! Galit na galit si Camille dahil hindi siya natanggap, at napahiya siya sa audition...

--flasback 2 weeks ago--

Ngayon ang audition para sa maging representative ng contest, sa gym ang audition at open para sa lahat ang audition, pwede ring manood, sinuspend ang klase sa hapon dahil sa audition, kaya nanood din kami ni Maureen, gusto ko kasing malaman kung sino ang makukuha.

"oh, Aya! Mag a-audition ka ba?" nakita ako ni Ma'am Romero, trainer naming sa gymnastic.

"ah, hindi ma'am, manonood lang ako." Sabi ko.

"eh, bakit naman? Sayang, ang galing mo naman tapos last year na ninyo ngayon, ba't hindi ka sasali?"

Dapat panindigan ko yung excuse ko, "eh, kasi po ma'am napilayan ako."

"ah, ganun ba? Saying naman, sana gumaling ka kaagad." Wow! Naniwala kaagad. Hahaha

"oo nga po ma'am, salamat po."umalis kaagad si Ma'am Romero pagkatapos nun, dumiretso siya kaagad sa stage, kasama ang iba pang magiging judge ng audition.

Umupo kami ni Maureen sa bleacher malapit sa mga nag a-audtion, marami-rami din sila. Nakita ko rin sina Lily, Mandy at Cathy. Kumaway naman si Mandy nang makita niya ako.

Nakita ko rin sina Michelle, Gwen, Janica at Camille. At mukhang pinaghandaan talaga ni Camille ang audition na 'to ha, grabe ang costume, parang nasa contest na. tingnan nalang natin.

Napansin ko nang dumaan si Cathy sa harapan nila ay bigla niya itong tinulak, dahil nabigla si Cathy, nadapa ito, pero buti nalang at nakatayo siya kaagad. Nakakainis na talaga to si Camille ah.

"Ladies and gentlemen, 3 minutes nalang bago magsimula ang audition..." nagsimulang magsalita si Ma'am Romero.

Marami rami na rin ang audience, nilibot ko ang paningin ko sa buong gym. Teka! May napansin ako sa pinakataas ng bleacher... si Harry ba yun? Ba't siya nandito? Biglang may kumirot sa puso ko... di kaya, may crush siya dito? Maka nag-audition yung crush niya at baka gusto niya itong makita, ang sesexy pa naman ng mga nag-aaudition. Ang sakit!



OA Aya ha, OA ka na...



Nagsimula na ang audition, lahat sila magagaling!

"next..." nagsalita si Ma'am Romero, tumayo naman si Camille, siya na pala.

Feel na feel niya yung moment habang naglalakad sa papunta sa gitna.

"name..." sabi ni Ma'am Romero.

"Camille po from section Amethyst."

Naku! Camille wag na wag mong ipapahiya ang section natin.

Nagsimula na siyang magpakitang gilas, first yung mga basics...



Naku! Palpak... ba't siya humiga kaagad? Hindi niya kayang mag bend.



"what was that Miss Camille? Marunong ka ba talagang mag gymnast? Kahit mag bend lang man hindi mo magawa?" naku nagalit na si Ma'am Romero, ang ayaw na ayaw ni ma'am Romero na makakita siya ng kapalpakan kahit konti.

Unexpected Love (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon