Chapter 1: Jhoana and Marci
JHOANA'S POV
"HAHAHAHA" ano ba problema nito? Parang baliw!
"Uy, ano ba talaga problema mo?"tanong ko at tumigil siya sa pag tawa.
"Hahahaha sorry, babe. Teka ah" may kinuha siya sa bag niya. Tissue?
Pinunasan naman niya yung gilid ng labi ko.
"May ice cream ka kasi. Tsk, clumsy naman babe"
"Hala hahaha! Thank youuu" medyo nahiya ako. Clumsy kasi eh, Jho.
"Your always welcome"
Sino siya? Marci Bacalla. Boyfriend ko since 4th year highschool.
"Babe tara na kaya?Para makapagpahinga ka na.Maaga pa tayong aalis bukas" pag aaya niya.
Tumingin ako sa wrist watch ko 5:48 na.
"Sige, tara"
Pumunta na kami sa kotse nya at pinaandar na rin nya yun.
"Babe we're here na"sabi ni Marci.
"Ah sige. Tara baba ka muna" pag aaya ko sakanya.
Pagkababa namin sakto naman na nasa labas si Mama.
"Hi po tita" pagbati ni Marci kay Mama at nagmano siya.
"Oh nandito na pala kayo.Pumasok ka muna marci. Dito ka na kumain"
"Ah, hindi na po Tita. Nagluto din po kasi si Mommy sa bahay"
"Ah ganun ba, sige"
"Sige po alis na po ako.Susunduin ko nalang po bukas ng umaga si Jho"
"Sige mag ingat ka ha?"
"Opo tita"
"Oh sige, maiwan ko muna kayo ah?"
"Sige po, Ma"
Pagpasok ni Mama ay nagpaalam na din saakin si Marci.
"Bye, babe.Goodnight and I love you"sabi ni marci at niyakap ako.
Yay, kinikilig ako shet.
"Goodnight din, babe. Ingat sa pagmamaneho"
"Opo sige, bye"
Pagkaalis ni Marci ay pumasok na din ako.
"Jhoana, ayusin mo na yung mga gamit mo sa taas. Ipapatawag nalang kita pag kakain na" rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina.
"Sige po, Ma"
Umakyat na ako sa kwarto ko nagsimula ng ayusin ang gamit ko.
Nasabi ko na ba kung saan ako pupunta bukas?
Pupunta kaming Katipunan ni Marci. Ateneo De Manila University to be exact. Narecruit kasi ako sa Volleyball team nila kaya isa na din akong Lady Eagles.
Ugh, ang sayaaaaa!
Parang dati lang pangarap ko lang 'to. Ngayon mangyayari na.
Sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko. Dinala ko halos lahat ng mga damit ko and mga sapatos ko.
Actually, mag dodorm ako dun.
Habang nag aayos ng gamit ay may kumatok at pinapasok ko naman, syempre Hahaha!
"Ate, kakain na" sabi ni Jaja. Kapatid ko.
"Sige, Ja. Susunod nalang ako"
"Okay, ate!"