Jho.
Agad rin naman ako nakarating sa dorm.
Pagpasok ko ay tahimik.
Siguro nasa sari-sariling room nila yung iba dahil 6:10pm na rin.
Pumunta muna ako sa room namin ni Bea.
Pagbukas ko ng pinto ay......
"AY LANGYA!"
Nagulat ako kay Jia!!
Paano ba naman kasi ang gulo ng buhok niya at halos natatakpan na mukha niya kaya para siyang si Sadako.
"HAHAHAHA!!"
Ate Ella?
Oo si ate Ells yung tumatawa.
Anong trip ng mga toh?
Atsaka bakit nandito sila sa room namin ni Bea?
"Hahahaha l*che yung reaksyon ni Jho!Hahahaha!"tawa rin ni Jia.
Para silang mga baliw😑
Pumasok nalang ako at pumunta sa kama ko.
Binaba ko ang bag ko sa study table at tinanggal ko ang sapatos ko at humiga.
Pumikit ako.
Napagod ako.
Napagod ako sa pag pipilit kay Mama na huwag na kaming umalis.Napagod ako sa kakaiyak.At sa pagsisinungaling kay Bea.
Ayoko na.
Sinasaktan ko lang si Bea eh.
Tanga mo Jho.Sobra😢
Narinig ko naman na tumigil na sa pagtawa yung dalawa.
Buti naman at tumino na rin.
Hay.Bakit ganun?Simula nung naging kami ni Bea akala ko tuloy tuloy na.
Akala ko forever na.
Akala ko lang pala.
Yun pala marami pang hahadlang.
Ang daya noh?Kahit gustong gusto kong maging masaya kami hindi na pwede.
Kasi iiwan ko siya.
Hindi ko rin naman pwedeng sisihin si Mama eh.
Alam ko naman na gagawin niya toh para saakin pero bakit kailangan ganun pa?
Hindi ba pwedeng bigyan nalang kami ni Mama ng mga condition?
Like dapat magiging mataas parin grades ko.
Tapos dapat nakafocus parin ako sa volleyball and pag aaral.
Bakit kailangan pang mahiwalay ako kay Bea?Sa taong mahal na mahal ko.
Paano na kapag tumira na kami sa US?
Sino ang gigising saakin kapag late na ako sa class ko?
Sino na mag p-prepare nang napakasarap kong breakfast?
Sino na mag t-text saakin para ipaalala na mag lunch ako?
Wala na.
Wala na kasi nun si Bea.
I'm sure aalisin rin niyan ni Mama ang communication ko kay Bea kaya hindi ko na pinilit ang LDR sakaniya.
Paano na ako mabubuhay kung wala si Bea?
Hindi ko alam eh.Hindi ko talaga alam.
Bakit kailangan pang masaktan kami ng ganito?
Alam ko kapag umalis na ako at nalaman ni Bea iiyak lang yun ng iiyak.