Special Chapter #2

5.3K 73 13
                                    

Jhoana's Point of View

To: Beb

Beatriz nasaan ka? Umagang umaga bakit wala ka? Pag nalaman kong nambabae ka ibibitin kita patiwarik pag uwi mo.

Huminga ako nang malalim at ibinaba ang cellphone ko. 6:30am palang pero wala na dito sa bahay si Bea! At hindi man lang nag text o nag iwan ng note dito sa bahay. Eh kung papasok man siya ay dapat mamaya pa kasabay ni Josh.

Talaga naman!!!

Umiling-iling nalang ako sa mga naiisip ko na kung ano-ano.

Naghilamos na ako at pinuntahan si Josh sa kuwarto niya. Pagpasok ko ay nakita kong tulog pa siya. Kahit napacute ng anak ko habang tulog ay kailangan ko na siyang gisingin dahil ihahatid ko pa siya sa school.

"Bebe Josh, gising na po. Pasok ka sa school" tinapik tapik ko naman ang pisngi niya. Hay anak, bakit ang cute cute mo?

Nagising naman siya at agad akong nginitian. Pero parang nag iba rin at tiningnan niya ako na para bang nagtataka siya.

"Why nakasimangot ang bebe?" tanong ko at niyakap siya.

"Where is Dada, Mommy? Bakit hindi siya ang nigigising sa akin ngayon?" sabi niya at nag pout. Nako anak, yung Dada mo ay nilayasan tayo ewan ko ba kung saan lupalop ng mundo 'yun pumunta. Nakakaloka!!

"Umalis si Dada, Bebe kaya ako muna nigising sayo ngayon" sagot ko at nginitian siya. "Ligo ka na, ha. Ikukuha lang kita ng towel then pagluluto na kita ng pancakes" tumango tango naman siya.

"Oki po, Mommy. Bigyan niyo rin po ako zesto ha? I want zesto!!" natawa naman ako.

"Okay po. Sige na ligo na at mabaho na ang kili-kili ng bebe namin" kiniliti ko naman siya sa kili kili at tumakbo na siya papuntang banyo. Hay, anak ang sarap mong ibulsa.

Kinuha ko na siya ng towel at inabot sakanya. Pagkatapos ay nagluto na ako ng paborito niyang pancakes. Pinagluto ko rin siya ng fried chicken para sa lunch niya sa school.

Nakangiti akong nagluluto nang bigla kong maalala si Bea. Nasaan na ba 'yon? Okay sana kung nag paalam kaso hindi e!

Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko na ang baon ni Josh sa bag niya. Pagbaba niya ay napangiti ako nang makitang hindi nakabutones ang polo niya. Ganito talaga ang eksena namin araw-araw. Lagi siyang bababa nang hindi naka butones ang polo dahil hindi niya ito mabutones ng maayos. Agad siyang naiinis. Mabilis ma frustrate ang bebe namin! Hahahaha!

"Come here" sabi ko at lumapit siya sa akin. Lumuhod naman ako at binutones ang polo niya.

"Mommy, someday I want to be a doctor"

"Why naman doctor, baby?" sagot ko pero hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Mukhang kailangan namin mag trabaho ng mabuti upang magkaroon kami ng anak na doctor.

"So that I can treat Dada's headache" hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti nang malaki. My baby is so soft and pure.

Madalas kasi ay umuuwi si Bea sa bahay galing sa resto namin na masakit ang ulo dahil sa dami ng trabaho. May tatlong branch na rin kasi kami dito sa Manila kaya nagiging busy na rin.

"Will you let me be a doctor, Mommy?" inosenteng tanong sa akin ni Josh.

"Of course, baby!! Kaya mag aral ka ng mabuti ha?"

"Opo!!" Sa sobrang cute ng anak ko ay hindi ko na napigilang pisilin ang pisngi niya.

"Sige na, bebe Josh. Eat ka na ng pancake mo. Kukunin lang ni mommy phone niya sa taas"

You're The Only One (Jhobea)Where stories live. Discover now