Chapter 20

13.3K 286 7
                                    

Jho.

2 days na ang nakalipas simula nung nag confess ng feeling saakin si Bea.

At yung dalawang araw rin na yun is di ako makapagisip ng maayos.Lagi akong lutang sa klase pati sa training di ako nakafocus kaya lagi akong napapagalitan

Di ko na nga alam yung gagawin ko eh.

Ang hirap magisip.

Pati rin si Bea di rin nakafocus sa training.Siguro iniisip niya na nireject ko lang siya pero hindi.Sabi ko lang naman sakaniya kailangan ko muna ng time para mag isip

Bigla naman nagvibrate yung phone ko kaya agad kong tiningnan

Tita Det Calling...

Si tita det?Bakit kaya?

Sinagot ko naman

(OTP)

Hello po.Tita?

Hi Jho.Nakakaistorbo ba ako?

Hindi po.May kailangan po ba kayo?

I need your help Jho.Ilang araw na kasing magkukulong sa kwarto si Isabel pagkauwi niya.Di na rin nga siya kumakain naisip ko lang na baka kapag pumunta ka dito sa bahay ay baka mapilitan mo siyang kumain.Pwede ba?

Sige po tita.Punta na lang po ako diyan

Ok sige.I'll wait for you.Bye

Call Ended

Hay!Si Bea talaga.I think time ko na rin ito para makausap ko si Bea kaya pumayag ako na puntahan siya sa bahay nila.

Nagpalit na ako ng damit at nag ayos.

Paglabas ko nakita ko ang mga teammates ko na nanonood.Wala kasing afternoon training ngayon eh.

"Oh Jho,san punta mo?"-Ate Ly

"Uhm sa bahay po nila bea.Pinapapunta po ako ni Tita Det eh"simpleng sagot ko nalang

"Ok sige ingat"sabi ni ate Ly at bago ako umalis tiningnan ko muna si ate Ella at ngumiti siya saakin kaya umalis na ako

Nag taxi nalang ako at after 30 minutes nakarating na ako

Nag doorbell ako at sakto si Tita Det nagbukas

"Hi po tita"sabi ko at ngumiti

Ayaw kong mapansin ni Tita det na may minunderstanding kami ni Bea

"Hello Jho.Pasok ka.Si Bea nasa kwarto niya puntahan mo na.Simula kaninang umaga di pa kumakain yun eh"

"Sige po Tita"sabi ko at dumiretso na sa kwarto ni Bea

Pagpasok ko nakita ko siya na nakatalukbong ng kumot

Lumapit naman ako sakaniya at umupo sa kama niya

"Mom ayoko talagang kumain.Mamaya na"sabi niya

Akala niya siguro ako si Tita Det

"Beatriz di ako si tita Det"mahinahong sabi ko sakaniya at nagulat naman siya kaya bigla siyang napaupo

"J-jho!?"gulat na tanong niya ng makaharap saakin

"Ay hindi.Hindi ako toh"-Me

"A-anong ginagawa mo dito?"tanong niya saakin

Bakit ba parang nauutal siya?

Kinakabahan siguro.

"Tinawagan ako ni Tita Det,di ka daw kumakain.Nakakulong ka lang daw dito.Isang tanong isang sagot beatriz,preso ka ba para di lumabas sa kwarto mo?"

You're The Only One (Jhobea)Where stories live. Discover now