Chapter 37

9.1K 186 6
                                    

Jho.

Ma please tanggapin mo kami.

Please Ma.Pagbigyan mo ako kahit ngayon lang.

"Ma....."mahina kong sabi.

Hindi ko na alam gagawin at sasabihin ko😭

"Kailan pa?"tanong ni mama.

Hindi ko alam kung masaya siya,galit,malungkot,o ano.

"3 weeks ago po tita"sagot ni Bea.

Lord tulungan niyo po kami.

"Jhoana pumunta ka sa kwarto ko.Mag uusap tayo.Jaja at Bea sa sala muna kayo"nag nod nalang ako.

Bago umakyat sa kwarto ni Mama ay tiningnan ko muna si Bea.

"Trust me magiging maayos rin ang lahat"bulong niya at nag nod nalang rin ako sakaniya.

Umakyat na rin ako sa kwarto ni mama at umupo ako sa kama niya.

Ano kaya sasabihin niya?

Tanggap niya kaya kami?

O papagalitan niya lang ako dahil kesa boyfriend ang meron ako ay naging girlfriend.

Sana lang tanggap niya kami.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama.

Umupo siya sa tabi ko.

"Jho bakit si Bea?"unang tanong ni Mama.

"Ma dahil mahal na mahal ko po si Bea.Siya tumulong saakin na bumangon ulit sa nangyari saamin ni Marci.Siya nagpaintindi saakin ng kahalagahan ng buhay ko.Ma sobrang mahal na mahal ko po siya at ayokong mawala siya sa buhay ko.Siya yung mundo ko Ma.Siya yung nagpapasaya saakin araw-araw kahit na pagod ako"

Hindi ko na napigilang hindi maiyak.

Natatakot ako sa maaring isagot saakin ni Mama.

"Jho alam ko na mahal na mahal mo si Bea at masaya ka sakaniya pero anak bakit siya pa?Alam mong ayaw ko ng ganyang relasyon.Parehas kayong babae.Ano nalang sasabihin ng mga kamag anak natin?Ng mga fans niyo?"

Ayan na😭

Wala na.Hindi talaga kami tanggap ni Mama.

Pero lalaban pa ako.Ayokong mawala saakin si Bea.

"Ma I don't care kung ano ang sasabihin nila.Mahal ko po si Bea eh"

"Anak minsan hindi lang puro puso"

"Ma bakit ba hindi niyo nalang kami tanggapin?"

"Hindi nga pwede"

"Ang unfair mo naman Ma.Ngayon na nga lang ako sumaya ulit ng ganito eh.Bakit ayaw niyo akong pagbigyan?!Mahal na mahal ko po si Bea at ayokong mawala siya sa buhay ko.Siya yung mundo ko Ma.Bakit ganyan kayo?Bakit hindi niyo nalang tanggapin kung ano kami ngayon?"

"Jhoana huwag ng makulit.Sumosobra kana.Sa Wednesday aalis tayo nina Jaja.Dun niyo itutuloy ang pag aaral niyo kasama ang papa niyo dun sa America.At hindi mo na ako mapipigilan tungkol dun.Mag impake ka na ng mga gamit mo sa dorm.Kakausapin ko na rin ang mga coach mo at pupunta rin ako ng Ateneo bukas.Ayoko ng relasyon niyo ni Bea at sa ayaw at gusto mo ipapaghiwalayin ko kayo at isa pa,distraction lang siya sayo"

"Ma naman!Ang daya daya mo!Ayoko.Hindi ako sasama.Maiiwan nalang ako dito.Ayoko dun Ma.Ayokong iwan si Bea"

I'm sobbing right now.Hindi ko na kaya.

Bigla naman pumasok si Jaja at nagulat pa siya dahil umiiyak ako.

"Uhm ate si ate Bea ay umalis agad.Inatake daw yung lola niya"nag nod nalang ako.

You're The Only One (Jhobea)Where stories live. Discover now