***
I'm dying" aniyang ngiti na kaswal na sagot.
"Baliw ka ba?" kunot noo kong tanong.
Napahalakhak ito.
"What makes you think that I am insane?" tawa nitong muli. Nakakairita ang pagtawa nito at pagngiti ng nakalapad, mukha siyang walang iniindang problema at hinanakit sa buhay.
"Uh, wala naman kaya napakakaswal mo kasing magsalita, hindi ko alam kung seryoso ka o nagbibiro at pinaglalaruan mo lang ako" irap ko.
"Saka bakit nga ba ako sumama at nakikipag usap sayo? Eh baka niyan serial killer ka pala, rapist , involve sa human trafficking o –" ani kong sumabad agad itong napahalakhak ng malakas lalo. Napatingin ang ibang nasa mesa sa amin.
Lalo akong nairita.
"Sorry, sorry" aniyang tumatawa pa rin at nagpipigil ng tawa.
"Sorry, it's just that... nevermind" aniyang nagpipigil ng tawa at naglabas ng wallet.
"May terminal case lang ako pero hindi ako mamatay tao" aniyang ngumting naglabas ng cardsat ID.
"I am a law abiding citizen, wala akong records sa NBI, professional ako" aniyang abot sa drivers license niya at lisensya. Isa siyang lisensyadong inhinyero at nanggaling sa prestihiyosong paaralan, base sa mga Id pinakita nito.
"So, do you trust me now?" ngiti nito.
Napairap ako.
"Malay ko ba kung me problema ka sa pagiisip, eh napakakaswal mo lang magsalita" irap kong muli. Napailing itong tumawa.
"Uh, may sakit ka nga? Mamatay ka na talaga?" tanong kong ngumiti itong tumango.
"Seryoso?"
"Oo nga, stage 4 colon Ca" sagot nitong nakangiti pa rin.
"Hindi ka nag jojoke?" ani kong lumapit pang muli na inaanalisa ang sinasabi nito kung nagbibiro ba o hindi.
Napangiti ito.
"Hindi ibinibiro ang kamatayan" ani ko pang muli.
"I'm not joking or playing pranks on you, uh... I'm dying, tapos na ako sa remission stage at nag reoccurrence at lumala pa. Ayaw ko ng magpagamot uli" ani nitong muli na napakakaswal lang na ang parang pinaguusapan lang namin ay weather forecast.
Natahimik ako.
"Uhm... i- I don't know what to say...sorry" ani kong napangiti ito.
"Wala ka namang kailangang sabihin, nasa acceptance stage na ako, matagal ko nang tanggap, at ieenjoy ko na lang nalalabi kong panahon dito sa mundo, gumagawa rin ako ng good deeds na nasa bucket list ko" aniyang sabi na nakangiti.
" Acceptance stage?" ani kong napabulong.
"Oo, ganun naman yun diba ? The five stages of loss and grieving" aniyang sumusubo sa pagkain nito habang nakatingin sa akin.
Napatango ako.
"Denial, anger, bargaining, depression and acceptance" dagdag nitong muli.
Napatango akong muli. Masyado pa siyang bata na nasa late twenties lang siguro, at mukhang napakamature niyang mag isip.
"Tanggap ko na Sophie, matagal na... dumating na rin ako sa treatment and remission, yung nga lang may reoccurrence uli" aniyang may malapad na ngiti.
Napabuntong hininga ako.
"Ikaw siguro nasa first stage pa lang" tawa nito.
"You know life is really precious and short Sophie, ika nga nila make the most of it' aniya.