*
"Salamat" ani ko ng inabot nito ang ilang shopping bags na dala namin.
Ngumiti ito.
"So anong itinerary natin bukas?" tanong ko.
"Titingnan ko mamya" aniyang tipid na sagot.
Tumango ako.
"Magpahinga ka muna then kakatukin na lang kita" aniya.
Tumango akong muli.
Naisipan kong maligo at magbabad sa tub.
Napagod man ako sa Hongkong ay nagenjoy naman ako lalo na ng unang araw namin doon. Tiningnan ko ang ilang litrato meron sa telepono ko, hindi ko maiwasang mapangiti, masarap kasama si Ethan, masyadong maalalahanin at mapagkakatiwalaan. Napailing akong pumikit ng naramdaman kong muli ang tibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Napabuntong hininga ako.
Pumikit akong muli ng tumunog ang telepono ko, mensahe galing kay Kuya Sam.
Jude called. Sabi niya nagkita daw kayo?
sino yung sinabi niyang kasama mo? at bakit nasa Hongkong ka?Sabi mo Macau ang punta mo?
Bunso, uwi na pwede? nagaalala na sina Mommy.
Napangiti ako sa sunod sunod na mensahe nito. Masyadong protective talaga si kuya Sam, kahit noon pa man ay ayaw na niya kay Zac, hindi lang ako nakinig. Nagpadala ako ng mensahe pabalik at saka nag anlaw para makapagpahinga na rin.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, may kirot pa rin sa dibdib ngunit mas maluwag na ngayon, naisip kong siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa, ngunit totoong minahal ko si Zac, at mas masakit pa doon si Nina pa ang dahilan.
Ilang araw na lang din ay babalik na ako ng Pilipinas. Hindi ko naitanong kay Ethan kung hanggang kelan siya dito sa Macau.
Kahit anong baling ko ay hindi ako makatulog. Halos alas diyes na ng gabi.
Tumayo akong nagsuot ng isang cardigan pantakip sa pajama kong suot, tungo sa suite ni Ethan.
"Pwedeng pumasok?" ani ko ng pinagbuksan ako nito ng pinto. Mukha siyang bagong ligo din at nakapambihis ng puting tshirt at pajamang pang ibaba.
Ngumiti itong iginiya ako sa loob. Malinis iyon at mas maayos kumpara sa akin.
"Ang linis ng suite mo" komento kong sumunod dito.
Ngumiti ito.
"Nagugutom ka ba?" tanong nito.
Umiling ako.
"Tea or coffee?" aniyang diretso sa mini kitchen niyang tulad din ng sa akin.
"Green tea" sagot kong dumiretso sa verandah nito.
"Ang ganda ng view dito" ani kong hinawi ang makapal na kurtina nito.
"Yeah, etong wing ang may magandang view" aniyang sagot na lumingon ako sa gawi niyang nagayos ng camera at saka bumalik sa paggawa ng tsaa.
Kumuha ito ng isa pang bangko at saka umupo sa tabi ko.
"Can't sleep?" tanong nito.
"Nasanay na ata akong late natutulog, saka medyo mahaba ang itinulog ko ngayong araw, i mean late akong nagising kaninang umaga" sagot ko.
"Baka namimiss mo lang akong katabi" biro nito.
Napairap akong napangiti. Parang natuwa akong nagbiro itong muli, dahil magmula sa Victoria's peak hanggang pabalik ay hindi ako masyadong kinukulit at inaalaska nito.