***Sumilip akong muli kay Ethan bago ko naisipang umuwi.
"I love you too" ani kong humalik sa pisngi niya.
Umuwi akong medyo hapo. Napahawak ako sa tiyan ko.
"Hindi ko kaya baby, I love your dad so much" bulong ko.
Pinilit kong magpahinga. Yakap ko pa rin ang album na bigay niyang napapikit ako.
Naalimpungatan akong nagising. Tahimik ang tulog ko, napatingin ako sa orasan kong halos labindalawang oras akong nakatulog. Nagayos ako ng sarili bumaba para makakain.
Kumain ako at ininom ko ang prenatal vitamins ko.
Bumalik ako sa kwarto kong pansin ang ilang mga lumang gamit ko.
Mga gamit kong bigay pa ni Zac.
Inayos ko iyon at isinalansan sa isang lalagyan at nagtipa sa telepono ko.
Isang ring pa lang ay sinagot na agad ni Zac.
"Magkita tayo" ani kong umayon ito agad.
*
"Sigurado ka?" tanong ni Ate.
Tumango ako.
"Kaya ko na Ate" sagot ko. Kailangan ko ng tapusin ito, a proper closure.
"Okay then, dito lang ako sa malapit" ani ni Ate Serena.
Tanaw ko na si Zac, pagpasok ko sa restaurant. Tumayo agad itong sumalubong sa akin. Karga ko ang isang karton, kunot noo itong napatingin sa hawak ko.
Ngumiti ako. Pinakiramdaman ko ang sarili kong maluwag na sa pakiramdam. Nakakangiti ako sa kanya, pansin ko ang haggard ng mukha ni Zac.
"Lov-... u-uhm Soph" aniyang sinenyasan kong umupo na .
"Kamusta?" tanong ko.
"I'm good... i-I'm sorry" aniyang nginitan kong sinabaran.
"Forget it Zac, tapos na yun... we moved on, I move on" sagot ko.
Hindi ito umimik.
"Nakipagkita lang ako para ibalik ang lahat ng ito" ani ko.
Napahinga siya ng malalim.
"I forgave you Zac, you and Nina" ani kong diretsong tumingin dito.
"Gusto ko lang ng tahimik na buhay, proper closure, life is short ayaw kong magkaroon ng grudges kahit kanino, ibinabalik ko ito sayo to cut all the ties I had with you" ani kong napatingin ito.
"Soph..."
"Yes, I forgave you Zac pero hindi na rin pwedeng bumalik yung dati" ani kong pansin ang pamumula ng mata nito.
"I regret it Sophie... I made the wrong decision, niloko ako ni Nina she's not pregnant" ani ni Zac na pilit na humawak sa kamay ko.
Napatingin akong nakaramdam ng awa dito. Ramdam ko ang lungkot niya.
"Regardless of it,the moment you cheated on me with her, binitawan mo na ako Zac, you chose her, that is enough para marealize kong you didn't love me" sagot kong mas malumanay. Nakatungo siya.
Napailing ako, dapat ako ang umiiyak ngayon parang baligtad na ang taong nasa harapan ko ngayon ang mas nasasaktan.
"Sophie..."
"Go on with your life Zac, since minahal mo naman si Nina, try to know and love her more" sagot ko.
"I move on too, I am in love with someone Zac..." ani ko ng may papasok na babae sa gawi namin. Nagpupuyos ito sa galit.