You Happened 13

5.5K 188 13
                                    




***

                 

Ilang araw akong nagbantay kay Ethan, halos hindi nakapagsalita si Mommy ng ipinaliwanag ko ang sitwasyon ni Ethan. Tanging yakap lang din ang ibinigay ni Ate sa akin.

" I love him 'My" ani ko.

Tumango si Mommy.

"We understand Bunso, we'll pray for him" aniyang yumakap sa akin. Napaiyak akong lumabas ang pagtitimpi ko sa ospital na maiyak.

***

"Kain ka pa" ani kong sumubo dito. Kailangan niyang maging malakas sadil umiinom ito ng mga gamot.

"Thank you" naiyang pinunasan ko ang bibig  nito.

"Sorry... imbes na nagdedate tayo, nagaalaga ka pa sa akin" aniyang may lungkot sa mata.

Napangiti ako.

Naglabas ako ng laptop.

"Dito tayo magdedate" ani ko.

"...at manonood tayo kung uubusin mo ito" ngiti ko.

"I love you Sophie" anyang yumakap ng marahan at umusog para mabigyan ako ng espasyo.

Naalimpungatan akong nagising na kayakap kay Ethan. Nakatitig itong napangiti, nakasarado na rin ang laptop.

"Uh, sorry, sorry nakatulog ako" ani kong ngumiti ito.

"It's okay, mas nag enjoy akong panoorin kang tulog" ngiti nito.

"HUmilik ba ako? tumulo ba uli ang laway ko?" bulong kong pababa ng yumakap ito sa gilid kong ngumiti.

"Thank you..." mahinang bulong nito.

"Thank you for staying beside me, alam kong napapagod ka na" mahinang sabi nito.

"I'm not Ethan... mahal din kita okay?" ani kong sagot.

"I have something for you..." naiyang ipinaabot ang isang maliit na paper bag.

"Binili ko ito sa Singapore" aniyang binuksan iyon, isang simpleng necklace na may isang bato.

Ikinawit nito sa leeg ko ang kwintas. Napahawak ako sa pendant.

"Thank you.." bulong ko.

"I'm sorry again" aniyang humawak sa mag kabilang pisngi ko.

***

Nagpatuloy si Ethan sa treatment niya, chemo therapy at radiation therapy. Inoperahan din siyang tinanggal ang parte ng isang organ niyang nahawaan ng cancer.

Para akong pinaghihinaan ng loob tuwing nakikita ko siyang ganoon, naghihina, bagsak ang katawan. Alam kong pinipilit niyang maging malakas at normal tuwing kinakausap ako. Pigil ang luha ko tuwing inaalagaan ko siya.

"Kaya mo pa ba?" tnaong ko ng kinumutan ko itong pagkatapos ng chemotherapy niya. Nagsuka siya ng nagsuka.

Tumango itong pumikit. Humalik ito sa palad ko hanggang tahimik na nakatulog.Ramdam ko ang pagbadya ng luha kong tumalikod ako.

"It's okay, lumabas ka muna sandali" bulong ni Caleb na lumapit sa gawi ko.

Paglabas ko ay di ko napigilang humagulgol.  Ang sakit makitang nahihirapan siya at nanghihina.

"Napapagod ka na ba?" mahinang tanong nito.

Umiling ako.

"Labas tayo, naipaalam ko na sa doctor, pwede naman daw" ani kong tinulungan itong magsuot ng sweater niya. Inayos ko ang buhok niyang pansin ko ang paglagas ng ilan. Pigil akong humikbi.

You HappenedWhere stories live. Discover now