***I can't explain the feelings.
Mas masakit pa ito ng higit ng hindi ako sinipot ni Zac sa kasal namin. Hindi ko pwedeng ikumpara si Ethan kay Zac, Ethan fulfill his promise. He is man enough na tuparin niya ng pangako niya sa akin kahit na nasa ganoong sitwasyon siya.
My Ethan...
Naalala ko ng binigyan kami ng go signal ng doktor niya ay kita ko sa mga mata niya ang tuwa, katumbas ng sayang naramdaman ko. It may be a whirlwind romance for us but I'm sure it's different. Marahil masyadong maikli ang pagkakakilala namin pero alam kong ibang lebel iyon sa taong nagkasama namin ng una kong naging karelasyon.
I love him.
I love how caring he is, I love how being thoughtful he is... I love his kisses, I love how he loves me.
Hindi ko napigilang humagulgol.
Yakap ako ni Kuya Sam habang nasa sasakyan kaming binabagtas papuntang ospital.
"Shh, bunso" rinig kong alo niya.
I'm scared and worried.
Dumiretso kami sa ICU, tanaw ko sa hallway ang pamilya ni Ethan.
Sumalubong ang Mommy nitong yumakap.
"A-asan na po siya?" tanong ko.
"Nasa loob pa ng ICU, hindi kami pinapapasok Ate" ani ni Eliza.
Napaupo ako sa bangko. Pinalis ko ang luha ko sa gilid. Tahimik akong nanalangin habang nilalaro ko ang bracelet na bigay niya at singsing.
Pumasok sa alaala ko ang madalas nitong sabihin sa akin.
I love you Sophie... I love you everyday... madalas nitong sabihin tuwing humahalik sa noo ko.
Napahilamos akong mukhang napayuko.
I can't contain the feelings, pakiramdam ko parang may tumutusok sa dibdib ko. Alam kong pagkatapos nito ay makikita ko siyang puno na naman ng tubo sa katawan at mga swero.
I want him to fight more. I want to be with him more.
Alam ko namang lahat tayo ay babalik doon ngunit parang ayaw tanggapin ng dibdib kong mawawala si Ethan sa akin. Alm kong lalaban siya para sa amin.
Ilang minuto pa ng lumipas. Napatingin ako sa gawi ng magulang ni Ethan na tahimik na nanalangin. Nakatayo lang na nakasandal si Rico at Caleb. Naisip kong mas masakit sa kanila ang nakikitang ganito si Ethan dahil matagal nilang nakasama. Hilam na ang mata kong naniningkit sa pag iyak.
"Bunso, magbihis ka muna" bulong na tumabi sa akin si Ate Serena. Napatango akong hindi ko naisip na nakasuot pangkasal pa ako.
Nagbihis ako.
Ramdam ko ang init muli ng mata ko habang nagtatanggal ng suot ko. Naghilamos na rin akong nag ayos ng mukha. Nagpapasalamat na lamang akong naandyan ang pamilya ko.
Bumalik ako sa waiting area.
Napahilamos ako ng mukhang di ko napigilang manubig ang mata kong nakikita ang mga doktor at nurse na aligaga sa pagpasok ng ICU, ramdam ko ang takot at pagaalala.
Napaangat ako ng tingin ng makita kong palabas ang doktor ni Ethan.
Lumapit si Tita Neri na Mommy ni Ethan at si Caleb. Hindi na ako tumayo.
"Dok..."
"He's okay for now" ani ng doktor na mukhang pagod.
Napahinga kami ng malalim. Nagpasalamat ako ng tahimik.