***
Inirapan ko ng tingin ang taong ito habang inaabot ang kamay ko.
Ramdam ko ang hilo habang umaalog ang ferry na sasakyan namin papuntang Hongkong.
"Kainis ka talaga" mahinang sabi ko habang nakahawak ito sa braso kong inaalalayan ako paakyat.
"Sabi ko naman sayo, magfeferry tayo diba?" sagot nitong nakatawa.
"Tsaka don't worry mamaya mageenjoy ka sa view" aniyang muli.
"Bwisit ka eh, di ko alam kung bakit ako sumasama sayo" bulong ko pang muli na siyang humalakhak ito. Ito rin ang unang beses na sasakay ako ng Ferry.
"Ang cute mo" aniyang kumurot sa tungki ng ilong ko.
"Ikaw ang pangit mo" irap kong nakahinga na lang ng maluwag ng nakaupo na kami.
"Aminin mo, kabaligtaran iyon" tawa nito.
"Tsss, feeling gwapo kamo" irap kong muli.
Napahalakhak itong lalo akong nairita. Mukha akong ginagawang katatawanan nito.
"Ilang minuto ba papunta doon?' tanong ko.
"Forty five minutes" aniyang ikinabit ang seatbelt ko.
Napahawak ako sa braso nito ng umandar na ang ferry.
"Kung bakit naman kasi di nalang tayo nag eroplano" ani kong pumikit.
"Relax, hindi naman ito lulubog eh, open your eyes" aniyang idinilat ko ang mga mata kong tanaw nga ang view na nagdudugtong sa Macau at Hongkong.
Maganda nga at malinaw ang tubig, tanaw na doon ang ilang bundok at ilang matataas na gusali.
"Ganda no?" aniyang nagayos ng camera. Bumitaw akong lumapit sa bintana.
"Oo, ang ganda" sagot ko. Ang sarap sa pakiramdam.
"Maganda talaga" aniyang rinig kong kumuha ng litrato. Napasulyap akong kita ko ang ngiti nito habang nakatingin sa camerang hawak.
"Kunan mo rin ako" ani kong nag abot ng telepono ko.
Kinunan ako at maya't maya nagpakuha rin siya ng litrato namin sa isang nangangasiwa doon ganit ang camera niya at telepono namin pareho.
"Ganda" aniyang komento. Napakunot noo ako.
***
" Isa pa Ethan" ani kong nagpakuha ng litrato ng nasa tren kami papuntang Disneyland.
Napailing itong natawa.
"Welcome to the happiest place on earth!" aniyang lahad na kamay.
Namangha ako.
"Ang ganda Ethan!" ani kong umangkla dito sa sobrang excitement.
Kumuha ako ng tour map nila.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain muna?" aniyang napahinto kami sa isang café sa loob.
Umiling akong napangiti itong napailing din. Excited akong makalibot!
Sumakay kami sa ibang rides doon, at panay litrato ko.
Nakakamangha nga, kahit basurahan ata doon ay gusto kong magpapicture.
Nanood kami ng play ng mga Disney cartoon characters. Ramdam ko ang saya, mukha akong bata na nageenjoy sa palabas doon.
"Gusto ko nun" ani ko ng mapahinto kami sa isang kiosk nagtitinda ang mga headbands na may mickey designs.
Bumili si Ethan ng sa akin at kaniya rin.