You Happened 10

5.8K 223 9
                                    




***

                 

"Good morning 'Dy/'my" ani kong humalik sa mga magulang ko kinabukasan.

"How was your trip?" bungad na tanong ni Daddy pag upo ko, siguro nakapasok na si Kuya at si Ate nama'y umuwi na sa sarili niyang bahay.

"Okay naman po, hindi ko na po kayo nahintay kagabi, nakatulog po ako" ngiti ko. Nakangiti lang si Mommy na nakatitig sa akin.

"I'm happy that you're smiling again baby" ani ni Mommy na yumakap.

"Siya nga pala,' ani ni mommy na sinenyasan ang kasambahay. Napakunot noo akong napatingin kay daddy.

Inabot ng katulong ang isang bouquet ng bulaklak sa akin. Napatingin ako sa magulang kong nagtatanong sa mata.

"Maagang dinala yan dito, tulog ka pa kasi kanina" paliwanag ni Mommy.

"What I mean is yung manliligaw mo" aning muli ni Mommy.

"Huh?"

"Si Ethan po?" tanong kong binasa nga card sa loob.

"I love you... you're the one that keeps me living, I love you everyday"

Hindi ko napigilang mapangiti. Inamoy ko ang bulaklak at inilagay ko sa tabi ko, naisip kong isisilid ko iyon mamya sa kwarto ko.

"U-uhm" ani ni Daddy na napalingon ako.

Ngumiti ako.

"He delivered it personally, pinapasok naman ng Kuya mo ... we met him, hindi ka niya ipinagising knowing that you are tired from your yesterday's trip" paliwang ni Mommy.

"Ethan po ang pangalan niya" ani kong nagsimulang kumain.

"At may dala rin siyang cakes, ipinalagay ko sa fridge" dagdag ni Mommy.

Tumango akong sumulyap sa gawi ni Daddy na nakatingin lang sa akin, marahil naghihintay ng paliwanag ko.

"Uh, na meet ko po siya sa Macau" ani kong tumango ito.

*

Katulad nga ng sinabi ni Ethan ay para siyang nanliligaw araw araw, madalas ay may dala itong bulaklak at ganundin kay Mommy o kay Ate.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito" ani kong ng iginiya ko ito sa lanai namin para makapag usap kami ng pribado.

Maayos naman din siyang pinakatutunguhan nina Daddy ganundin si Kuya Sam at Kuya Dion na asawa ni Ate Serena, na minsan ay banas kapag nagbibigay si Ethan na bulaklak kay Ate. Parang nanliligaw si Ethan sa pamilya ko.

"Gusto ko ang ginagawa ko" aniyang nakahawak sa kamay ko.

"Ethan..."

"Shh, sabi ko naman sayo di ba? Liligawan kita at kasama doon ang pamilya mo... I want to earn their trust" aniya.

"Hindi na kailangan okay? Saka alam nilang mahal kita at alam nilang mahal mo ako... hindi mo kailangang gawin ito" ani kong humawak sa pisngi nito.

"At tama na yang tsokolate at cake, napupuno na ang fridge naming" tawa kong umiling lang ito.

"Sophie..."

"Nasa hustong gulang na ako Ethan, hindi nakikialam ang magulang ko sa desisyon ko" ani ko.

"Still, I want them to know that I am sincere to you" aniyang muli.

Humilig ako sa dibdib nito.

"Namiss kita" mahinang sabi ko.

"I miss you more" sagot niya pabalik.

"You have no idea how much I misses you" aniyang humaplos sa likuran ng buhok ko.

You HappenedWhere stories live. Discover now