*****
Hindi ko alam kung anong ginagawa kong sinusundan si Sophie. She is devastated for sure. Malungkot ang kanyang mga mata. Mukha siyang tuliro at halatang basag ang puso. No need for me to second guess, she's heartbroken. Well, that man is surely stupid na pinakawalan ang babaeng ito.
Napasimangot siya.
"Niloloko mo ba ako?" aniyang nanliit ang mata. Niyaya ko siyang lumabas ng kanyang kwarto. Ilang araw na siyang nagkukulong doon. Kahit housekeeper ng hotel ay hindi nya pinapapasok. Ilang beses din akong nag attempt na katukin siya ngunit piangsaraduhan din ako.
"I am dying Sophie" ngiti ko. Sabi ko nga, I accepted my fate.
Nalungkot ang kanyang matang napahinga ng malalim.
"Reoccurence" paliwanag kong tumango tango siya.
Natahimik siyang may gitla pa rin sa kanyang noo. Mukha siyang may iniisip na malalim.
"Don't pity on me, I accepted it a long time ago" tawa kong lalo siyang napasimangot.
"Hindi naman, it's just that..." aniyang umiling at hindi na idiniretso ang sasabihin.
"Kaya ikaw, enjoy your life to the fullest" payo kong napangiti siyang may sumikdo sa aking dibdib. This is the first time that she smiled. I don't know, para akong nanalo sa isang lotto sa ngiting iyon. It was a genuine smile. I felt good and gusto ko ulit makita ang ngiting iyon.
"Naikot mo na ba ang Macau?" tanong kong umiling siya. I am determined to help her forget.
Sophie is not hard to get along. Walang arte sa katawan, hindi mahirap pakisamahan. She is comfortable to be with, in just short span of time na nakilala ko siya, I know that she is a good woman. Very grounded. Maalalahanin din. nakita ko kung ganno siya mag alala sa akin kung kaya ko ba ang rides na pinupuntahan namin.
Kung una ko lang siyang nakilala kaysa sa ex fiance niya ay hinding hindi ko siya pakakawalan. Saglit, saan ba nanggaling iyon? Natawa ako sa aking sariling dumarating sa puntong iyon na tumatakbo sa aking isip.
"Wait lang, nakasakay ka na ba neto?" aniyang huling tanong bago kami mag bungee-jumping, sa Macau Tower iyon Napahalakhak ako. It was my first time too.
"No, this is my first time" tawa kong pinakawalan kami ng guide.
"What?!" aniyang wala ng nagawa nang nasa ere na kami.
"I hate you Ethan!" aniyang natawa akong hinawakan ang kamay niyang idinipa pa iyon.
"Wag akong murahin mo!, yung mga taong bumasag sa puso mo!" tawa kong nagsisigaw nga siya.
"I hate you Zac!!! I hate you Nina!" aniyang panay ang sigaw niya.
Putlang putla siyang panay ang suka pagkatapos. I felt the guilt na inabutan siya ng wet wipes.
"Are you okay?" alala kong hinagod ang kanyang likod. Ipinusod ko ang kanyang mahabang buhok.
Panay ang tango niya.
Inalalayan ko siya sa malapit na banyo. Naghilamos siyang inabutan ko ng paper towel.
"Okay ka lang?" tanong kong umangat siya ng tingin sa akin na ngumiti ng malapad.
"Gusto ko pang ulitin iyon!" tawa niyang inilingan ko.
"Oh no, enough na yun" kontra kong iniwas ang takas niyang buhok na inilagay ko sa kanyang punong tenga.
"I enjoyed Ethan! ang sarap nga sa pakiramdam! I felt light!" aniyang ngiti pa rin, kinontra ko siyang muli na tatalikuran na sana nang maramdaman ko ang yakap mula sa aking likuran.