You Happened 12

5.4K 197 7
                                    




***

                 

"Asan siya? Bakit hindi siya ang sumadya sa akin? is he really okay?" tanong kong lumapit pa dito. Hindi ako mapakali,nag aalala akong parang may takot sa dibdib ko.

Napabuntong hininga si Caleb.

"He's fine, uh... naka confine siya ngayon" aniya.

"What?kelan pa?" tanong ko.

"Today is the third day" aniyang tumungo.

"Third day? matagal na siyang naandito sa Pilipinas?" tanong ko.

Tumango ito.

Napaupo ako sa sofa na napahilamos ng mukha.

"How is he?" mahinamg tanong ko.

"I- I can't say exactly right now, he's asking for you" sagot nitong tinanguhan ko.

"Paintay lang sandali, magbibihis lang ako" ani kong tumayo at sinabihan ang katulong na bigyan ng inumin si Caleb.

***

Iginiya ako nito sa harapan ng sasakyan.

Tahimik lang itong nagbuhay ng makina at nagmaneho.  Ramdam ko ang kaunting hilo, naalala kong nakalimutan kong mag almusal.

"Are you okay?"

Tumango ako.

"Pwede bang buksan na lang natin ang bintana? medyo nahihilo kasi ako sa car freshener mo" ani kong tumango naman ito.

Napatingin ako sa labasan. Sa naiisip ko pa lang ay ramdam ko na ang takot at lungkot. Gusto kong lumaban si Ethan.

"Kasama ka ba sa Singapore?'" baling ko kay Caleb na tahimik lang na nagmaneho.

Tumango ito.

"Tell me the truth, anong sinabi ng doctor doon?" tanong ko, wala na akong pakialam kahit magmukha akong pakialamera o assuming sa sitwasyon ni Ethan, gusto ko lang malaman ang tutoo.

"Pareho lang ang recommendation ng Oncologist doon at dito, he decided to take the treatment here, masyado daw malayo sayo" aniyang sagot na hindi natingin sa akin.

"Bakit ngayon lang niya ako pinapunta?" tanong kong may hinanakit.

"PInipigilan niyang sabihin sayo, as much as possible  gusto sana niyang kumuha ng treatment ng hindi mo alam, but then he change his mind at hindi na niya kayang hindi ka makita" sagot nitong sumulyap sa gawi ko.

Hindi ko napigilang mag init ang sulok ng mata ko.

"Hindi naman niya kailangang itago, alam ko ang sitwasyon niya" ani kong tumingin sa labas.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin.

"How long are you dating? nagkita lang naman kayo sa Macau diba?" tnaong nito.

Tumango ako.

"Kuya is hard headed, i didn't expect na magbabago ang desisyon niya ng agaran" ani nito.

"...to tell you honestly, hindi ko alam kung makakabuti sa kanya ang treatment muli, but he is willing to take his chances at gamble again" aniya.

"His case is different, re occurence na lang ulit yun, he was diagnose again few months ago  pa... sa itinagal ng panahon ngayon lang ulit siya nagdesisyon" aniya pang muli.

Napakunot noo ako.

"Anong ibig mong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"I want to prepare you for reality, as much as gusto nating lahat na gumaling si Kuya Ethan, gusto kong malaman na hindi magiging madali ang lahat" aniya pang tanaw ko na ang ospital.

You HappenedWhere stories live. Discover now