***
Hindi ako makatulog.
Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Napahawak ako sa labi ko, hinalikan ako ni Ethan na tinugunan ko, kung hindi pa kami nagulat pareho sa buzzer sa labas ay marahil mas malalim pang halikan ang naganap.
Napabuntong hininga akong napapikit. Ramdam ko pa rin ang medyo mabilis na pintig ng puso ko. Hindi ito maari... kagagaling ko lamang sa isang masakit na paghihiwalay.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili kong napapalapit kay Ethan. Hindi ko alam kung saan patutungo o kung may patutunguhan man lang ba ang samahan namin.
*
Nagising ako kinabukasan na lagpas alas nuebe na. Napakunot noo akong wala akong ni isang tawag o text mula kay Ethan, madalas ay maaga pa ito sa alas siyete kung katukin ang pinto ko.
Naligo ako at nagbihis. Tumungo ako sa suite nito.
Naka ilang pindot na ako ngunit walang nasagot, ang telepono nito'y patay rin kahit sa telepono niya sa suite ay hindi rin nasagot. Hindi ako mapakali, ramdam ko ang frustration sa hindi ko maintindihang dahilan. Siguro naman ay magpapaalam ito sa akin bago mag check out, kahit papaano naman siguro ay alam niyang hahanapin ko siya.
Bumalik akong muli sa suite niya pagkatapos ng ilang oras.
Naiinis akong nanlulumong pabalik sa suite ko ng mapansin ang housekeeping na napadaan sa gawi ko. Ngumiti ako dahil alam kong Pinoy din siyang katulad ko.
"Ma'am hinahanap niyo po ba yung nakacheck in dito?" aniyang tanong sa akin, marahil napansin ang pagbalik balik ko sa suite ni Ethan.
Tumango ako.
"Eh, umalis po si Sir kanina, maaga po siyang nagpalinis eh" aniyang napahinga ako ng malalim.
"N-nag check out na?" tanong ko.
"Mukhang hindi naman po"
Saan siya nagpunta?
"Sigurado po kayo?" tanong kong muli.
Tumango ito.
"Pwede naman po kayong magtanong sa reception, may Pinay po doon, kaya lang po madalas confidential kasi ang file ng mga guest dito" aniyang tinanguhan ko.
Pumasok ako sa suite kong medyo yamot, hindi ako lumabas, nagparoom service na lamang ako. Naiinis akong naapektuhan ako ng ganito, hindi naman kailangang magpaalam ni Ethan sa akin ng pupuntahan niya ngunit pakiramdam ko mabigat sa dibdib na hindi niya ako isinama o sinabihan man lang.
Lagpas tanghali na at panay tingin ko sa labas kung dumating na si Ethan ngunit wala pa rin.
Naalala ko ang halikan namin kagabi, pareho kaming napabalik sa ulirat ng may kumatok sa pinto niyang abot ng isang paper bag ngunit hindi ko alam kung anong laman niyon.
Lumabas ako sa suite niyang inihatid ako sa pinto ko ng walang imikan, humalik lang ito sa noo ko ng nagpaalam na bumalik sa sarili niyang kwarto.
Aligaga akong napatingin sa orasan kong halos alas diyes na ng gabi ngunit wala pa ring senyales ng pagdating ni Ethan, hindi ako mapakali, ramdam ko ang pagkabagot at pagaalala para sa kanya. Napasandal akong humiga sa sofa ko.
***
Balikwas ako ng gising kinaumagahan, at katulad kahapon ay hindi ko muling nadatnan si Ethan, nakapagtanong akong hindi pa naman siya nagchecheck out.
Naiinis ako sa sarili kong nakatulog ako sa pagiintay.
Maghapon akong nagbantay ngunit hindi ko siyang nadatnang dumating muli. Naisip kong kailangan kong gumising ng maaga kinabukasan.